Maeve
Ba't kaya gano'n ang mga tao no, Aria? Napaka insensitibo. Mag-isa lang daw ako. Akalain mo yon? Binalewala ka lang. sa kubo na nga lang tayo. Hintayin mo ako don at ako na lang ang bibili ng pagkain nating dalawa.
Pagkarating sa milktea shop, nag-isip muna ako kung ano ang magandang kainin at inumin na babagay sa amin.
Umorder ako ng isang matcha grande, isang wintermelon grande, dalawang fries na large, isang cheesy pizza at isang nachos na nagkakahalaga ng 878 pesos.
Sa aking paglabas ng shop, nakita ko si Aria sa may parking lot.
Nakaupo at parang malalim ang iniisip. Hindi maipinta ang mukha. Ngayong ko lang siya nakitang ganito.
May problema kaya siya?
Linapitan ko siya ng dahan dahan at balak ko sanang gelatin ngunit nakita ko ang pagpatak ng kanyang luha mula sa kanyang mga mata.
Gulat na gulat ako at hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan dahil ngayon ko lang siya nakita sa ganitong sitwasyon.
Hindi ko muna siya kinibo at hinintay kong huminahon sa kaniyang pag-iyak.
Sa pagtigil niya na umiyak, nagkunwari ako na kakakuha ko pa lang ng order ko at ngayon ko lang siya nakita.
"Aria!" masaya at nasasabik kong bati na puno ng pagkukunwari.
"Anong ginagawa mo ditto? Diba sabi ko naman sa'yo na hintayin mo na lang ako sa kubo? Ba't mo pa ako sinundan?"
"Ah wala. Natatakot ako. Wala akong kasama doon" sabi niya na nagpupunas ng kanyang sipon.
"Ayos ka lang? sinisipon ka ata?"
"Ah wala 'to. Bilisan na natin at parang uulan pa".
Naglakad kami papunta sa kubo na paborito naming tambayan. Parehas kaming tahimik sa paglalakad. Iniisip niya siguro ang problema niya, samantalang ako, iniisip kung ano ang iniisip niya.
Pagkarating namin sa kubo, napakahabang pag-uusap at kuwentuhan ang aming napag-usapan na para bang hindi na kami magkikita kinabukasan.
Ang bawat segundo ay napakahalaga sa amin. Maraming mga katatawanan at kwentuhan ang ibinubuhos namin dito.
Unti unting pumatak ang ulan at sumabay ang paglubog ng araw. Napakalakas ng ulan na sinamhan pa ng kulog at kidlat. Parehas kaming takot dito. Paborito namin ang tag-ulan ngunit takot kami sa kulog at kidlat.
Dahil sa pagkulog at kidlat, tuluyan na kaming nagabihan sa kubo hanggang hindi na kami nakauwi. Hindi namin inalintana ang aming kagutuman dahil sobra ang pagkabusog namin sa binili namin kanina.
Sobrang saya ng araw na ito. sulit na sulit namin ni Aria.
Sa paglipas ng oras, hindi na tumigil ang lakas ng ulan at tuluyan na kaming nakaidlip at nakatulog sa kubo ng magkayakap.
Kinaumagahan, masaya kaming bumangon ni Aria at masaya din kaming binat ng sinag ng araw.
Wala na. Wala na ang napakalakas na ulan kagabi. Malinaw na ulit ang mga ulap. May sinag na ulit ang araw. Maaari na naman kaming makapaglaro at makapunta sa aming gusto.
Alas otso ng umaga, Sabado, walang pasok. Napagdesisyonan namin ni Aria na umuwi muna sa aming mga bahay upang maipaalam sa aming mga kanya-kanyang mga magulang kung ano ang nangyari sa amin kagabi, kung bakit hindi kami nakauwi.
Nais man naming maglaro, alam naman namin na nag-aalala na ang aming mga magulang.
Nagdesisyon kami ni Aria na magkikita ulit kami sa aming paboritong tambayan, ang kubo pagsapit ng alas kwatro ng hapon sa parehong araw upang makapagkwentuhan ulit bago kami tuluyang umuwi.
YOU ARE READING
TALIMUWANG
Teen FictionPagmamahal kaya ang lunas sa nakaraan o pagmamahal ang sisira sa kasalukuyan?