Kabanata 5

2 1 0
                                    

Nang natanggap namin ang magandang balitang iyon, lubos ang pananabik ng aming pamilya kaysa sa amin. Walang bago, sina Mommy La at Daddy Lo na naman ang bumili ng pangangailangan namin sa paaralan. Mula sa bag, pencil case, at notebook, pare-parehas. Iba nga lang ang kulay. At siyempre, hindi mawawala ang shopping ng mga pang-arteng damit at sapatos. Alam na alam na nila kaya hindi sila nabibigla sa presyo. Ni hindi nga nila iniinda ang price tag kahit medyo namamahalan na kami sa gamit.

"Bilhin niyo lahat ng kailangan niyo, lalong-lalo na lahat ng mga gusto niyo. Sagot ni Daddy Lo at Mommy La lahat. Mga ate at kuya niyo, tsaka na 'pag di na sila busy. Importante, kayo muna. Huwag niyo silang alalahanin. Sige na" pagpapaalala ng lola

Pagkatapos naming bumili ng mga gamit, kumain na kami. Ngunit bago iyon, nag-CR na muna kami dahil nagkaroon ng nakakapikon na pangyayari sa loob ng bilihan ng school supplies. May juice na dala ang bata sa bookstore. Sa kasamaang palad, natapon niya ito dahil tumakbo siya patungo sa linya ng ng kaniyang ate. Eh yung ate niya nasa likuran lang namin. Ayun natapilok siya at ako yung nadali. Hindi ko nga rin alam kung bakit hindi nila napigilan yung bata. Siguro sa dami na rin kasi ng tao sa loob, hindi na nila ito napansin. Magpapasukan na rin kase sa susunod na lingo kaya aligaga na ang lahat sa pagbili ng mga gamit sa eskuwelahan.

Agad kaming tumakbo ni Aria sa CR. Pinigilan ko naman siyang sumama para hindi sayang ang pila ngunit nagpumilit siya at sinamahan pa rin ako.

Paglabas namin ni Aria, nakasalubong namin itong makisig na binata. Ang tangkad niya. Bagay na bagay sa height ko. Moreno pa! Nagniningning ang kaniyang mga mata. Napatulala nga rin ako. Mala-Daniel Padilla 'to, mas sexy nga lang ng kaunti.

"Jusko! anong langit ang napuntahan ko, bakit parang ang sarap mamuhay kapag ganito palagi ang nakikita ko." sambit ni Maeve sa kaniyang isipan

"Hi, miss" sabay kindat sa akin.

"Kinausap ako. Shettt, anong gagawin ko?" bulong ko sa aking isipan.

"Ay, he-hello?" limang segundo bago ko pa siya nasagot. Nakakahiya

"Saan po iyong bookstore dito?"

Tumawa nang malakas si Aria na para bang walang tao sa kaniyang paligid.

"Napagkamalan kang sales lady sa suot mo, ante!" patawang sambit ni Aria kay Maeve

Paborito ni Maeve ang black skirt na suot niya. Ang pantaas niya ay Floral croptop na off-shoulder pa. Iyon ay bago nabuhusan ng juice ang kaniyang damit kanina sa pilahan. May extrang damit si Aria sa oras na iyon – white polo sleeve. Kaya iyon na ang sinuot niya.

"Excuse me, hindi ako sales lady." sabay inirapan ang binata at nagpatuloy na ito sa kanilang paglalakad

"Pogi na sana iyon, mayabang lang. Argghhh nakakainis!"

"Uy, ganyan na ganyan din nagsimula sina tito at tita, remember? Malay mo magkita kayo ulit. Kapag nangyari 'yon, it's a sign, kayo ang magkakatuluyan. Itaga ko 'yan sa bato at kahit mamatay ako!" pabirong sabi ni Aria

"Anong biro 'yan, Ari. Hindi iyan nakakatuwa no!" sabay tuktok sa puno

Masamang pagbiruan ang ganoong bagay at wala namang mawawala kung susunod ka sa mga pamahiin. Biglang kumutob ang puso ni Maeve nang malakas. Hindi niya alam ang dahilan. Binalewala na lang niya ito at pinuntahan na nila ang kanilang pila.

"Iyan na ba lahat ng napamili niyo? Kung gano'n ay maghanda na kayo nang makauwi na tayo, mga anak." Sambit ng kanilang Daddy Lo

"Maraming salamat po sa lahat Mommy La at Daddy Lo. Mahal naming kayo!"

Nagtinginan kami ni Aria at nagtawanan dahil sabay kami ng pagkasabi. Nakakatuwa lang. Lumalakas nang lumalakas ang koneksiyon namin. Para talagang kambal

TALIMUWANGWhere stories live. Discover now