Kabanata 7

3 0 0
                                    


Aria

"Akala ko tunay kaming magkaibigan. Nagsumpaan pa man kaming walang magsisinungaling at magtataguan ng kung ano man. Minsan nga lang siyang nagsinungaling, ang sakit naman sa pakiramdam. Mommy, ano po baa ng dapat kong gawin?" tanong ko sa aking mommy.

Alam kong walang ibang makakatulong sa akin kung hindi ang aking mommy. Bukod kay Maeve na bestfriend ko, wala na akong alam na matatakbuhan pa pagdating sa mga ganitong sitwasyon.

Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Ang masaktan. Ang malala, dahil pa sa bestfriend ko.

"Ano ba kase ang nangyari?" tanong ng mommy ko.

"Hindi ko pa maaaring sabihin mommy. Kailangan ko po munang linawin ang lahat kay Maeve." Sambit ko.

"Kung ano man 'yan, alam kong malalagpasan niyo 'yan. Huwag ninyong sayangin ang mga pinagsamahan ninyo sa napakahabang panahon dahil lamang sa maliit na tampuhan." Payo ng mommy ko.

"opo mommy" sagot ko.

"O siya, tahan na. maghilamos ka at ayusin ang iyong sarili. Pagkatapos ay bumaba ka para magmeryenda. Maghahanda ako ng meryenda sa baba."

"sige po mommy. Sunod po ako"

Bumaba si mommy at naiwan ako sa aking kwarto. Inalis ang kumot na nakalagay sa aking katawan at dali-daling naghilamos. Tumungo ako sa kusina at nakita ang nakahandang meryenda.

Habang kumakain, hindi ko namalayan ang pagpasok ni mommy at ginulat ako.

"Aria!" sabay hawak sa akin na para bang ihahagis ako sa lakas ng pagkakahawak niya.

"putragis! Ay! Ano ba yan mommy. Kumakain ako eh. Muntik na akong mabilaukan sa ginawa mo"

"Kumakain ba yan? Nakatulala ka nga anak. Ano ba kasi yang nakapalalim na iniisip mo?"

"Wala po mommy. Distracted lang ako sa lamok. Ayan po oh, kung ano ano ginagawa" Pagsisinungaling ko.

"Hay naku Aria. Kung ano ano napapansin mo"

At umalis na nang tuluyan si mommy.

Sa totoo lang, hindi naman talaga lamok yung rason kung bakit ako distracted. Iniisip ko yung kalagayan namin ni Aria. Hindi ako sanay na hindi kami nag-uusap, nagkukuwentuhan, at nagtatawanan. Pero inisip ko na lang na magkaka-ayos din kami kaagad.

Lumipas ang ilang araw na wala kaming kibuan ni Maeve. Hindi niya ako pinapansin sa paaralan, walang text, at wala din kaming call. Namimiss ko na yung dating kami. Yung masaya lang na parang wala kaming problema sa mundong ginagalawan namin. At dahil hindi ko na siya matiis, sinubukan ko siyang tawagan.

Kriiiiing.... Kriiiing... kriiing...

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try again later.

"Okay, hindi niya sinagot. O baka tulog siya at hindi niya namalayan? Last na." bulong ko sa sarili ko.

Kriiiiing.... Kriiiing... kriiing...

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try again later.

Limang beses akong tumawag. Wala akong nakuhang sagot.

Hindi ko maintindihan. Bakit siya yung hindi sumasagot? Hindi ba't ako dapat yung nagtatampo? Ako yung pinaglihiman. Ba't parang baliktad? Ba't ako yung sumusuyo? Nahihibang na ata ako. Wala eh. Kahinaan ko. Bestfriend ko eh. Nakasanayan ko nang kasama, sa kasiyahan man o kalungkutan.

Maeve

"Hindi... hindi maaaring malaman nina mommy at daddy. Dapat ako lang ang nakakaalam. Walang dapat nakakaalam." Humihikbing bulong ko sa sarili ko.

TALIMUWANGWhere stories live. Discover now