Kabanata 14

1 0 0
                                    


LEVI

Habang nakabantay ako kay Maeve ay hindi ko inaasahan na ang matagal ko ng hinihintay na mangyari ay mangyayari na at ito ay ang gumising si Maeve. Pagkamulat nang kanyang mga mata ay hinayaan ko muna siyang nagmuni-muni upang sa gayon ay hindi siya mabigla at matakot. Nang masilayan ko muli ang kanyang mga nagkikislapang at naggagandahang mga mata ay nakikita ko ang kasiyahan, ang kasiyahan na muli na kaming magsasama. Habang minamasdan ko siya ay hawak-hawak ko pa rin ang kanyang mga kamay.

"Maeve, love, salamat sa Diyos at nagising ka na" nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Love? Ikaw ba yan?" mahinahong sagot niya sa akin. "Oo love, ako to! Si Levi ang boyfriend mong lagi mong kaagapay, karamay at kasama sa lahat ng bagay" sagot ko rin sa kanya.

Ngunit tila nahihirapan itong huminga at kinakailangan kong gumawa ng paraan upang hindi na mauulit ang nangyari.

Sa ngayon nag-iisip na ko kung ano ang dapat kong gawin para makatulong sa kaniya at maging maayos na at bumalik na siya sa dati. Kaya naman mayroon lang akong mga ilang katanungan na tungkol sa isang tao.

"Love, Kamusta ka na? Ang tagal mong walang paramdamdam hah! Halos ilang araw kitang hinihintay na magkamulat rito, alam mo ba love, hindi kita iniwan at sinukuan dahil mahal na mahal kita at alam ko din na ganoon ka rin, kinaya mo yan at dahil sa iyong katatagan sa loob ay hindi ka rin sumuko" sambit ko sa kanya.

At nang ipagpapatuloy ko na sana ang aking pagkukuwento sa kaniya dahil namiss ko siya at miss na miss ko na siya sobra ay bigla na lamang siya nagsalita at binitawan ang mga katagang, "Levi, thank you and I love you" bulong niya sa akin at di ko naman napigilang nakilig sa sinabi niya, kaya naman pagkatpos niyang sinabi ang mga salitang iyon ay hinalikan ko sa labi at sabay yakap sa kanya.

"Lagi mong tatandaan na nandito lamang ako sa tabi mo kahit na anong mangyari dahil mahal kita at hindi lang basta mahal kundi you are my everything, my moon and my life" dagdag ko pang sabi sa kanya.

Gusto ko sana ikuwento ang lahat ng mga pangyayari na naganap noong hindi pa siya gising mga panahon na ako'y nauulila sa kaniya ngunit nang makita ko ang kanyang mukha na para bang napakaamo at tila ba makikita rin sa kanyang mukha na nagugulumihan. Kaya naman nagtanong ako sa kaniya,

"Okay ka lang ba love? Kung di ka pa masyadong okay love magpahinga ka na lang muna ha" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Kung iniisip mo na iiwan kita syempre oo hahaha hindi biro lang, hindi kita iiwan love"

"Promise love?" tanong niya, "Yes love I'll always here for you. Kaya huwag kang mag-alala okay love"

"Yes love, I trust you"dagdag pa niya. "Sige love pahinga ka muna" at doon nga ay nagpahina na siya.

Sa tingin ko ay nababahala si Maeve kung paano niya sasabihin sa akin ang katotohanan ngunit hindi lingid sa kanyang kaalaman na nalaman ko na ang kanyang sekreto na siyang matagal nang inililihim sa akin na hindi ko man lang alam simula pa nung kami ay, una pa lamang magkakilala at nagkaibigan. Ngunit nagpapasalamat ako sa Diyos na kahit ganoon ay hindi ako nakaramdam nang galit sa kanya ngunit sabihin nating medyo nagtampo ako sapagkat ang aking sinisinta ay may lihim pala sa akin.

Ngunit kahit ganoon ay hindi ko mas pinanaig ang aking pagkagalit sa kanya kundi mas namayagpag pa rin ang pagmamahal ko sa kanya kung kaya't hindi ko kayang magtanim ng galit o pagkaramdam ng galit.

Maeve

Nang mapansin ni Levi na ako ay tila inaantok at medyo pagod ay pinahintulutan niya akong magpahinga muna. Oo, kakamulat ko pa lamang ngunit parang nararamdaman ko ang pagkabagot at pagkapagod na kahit naman wala pa akong ginagawa at nakahiga lamang. Kaya naman iniglip ko muna ng sandali ngunit bago ako natulog ay nasilayan ko muna ang mukha ni Levi na nakangiti at napakagwapo niya naman talaga lalo na't sa ganoong ngumingiti siya sapagkat pag ngumingita siya ay nagpapakita ang kanyang dalawang dimple at lumiliit ang kanyang mga mata na para bang intsik na wala nang mata pag ngumiti.

TALIMUWANGWhere stories live. Discover now