MAEVE
Sa pagmulat ko ulit ng aking mga mata, bungad agad ang iyong mukha. Ang iyong mukha na tila ba napakaamong tignan na para bang walang kinakaharap na mga problema sa buhay. Sa hirap man o hapis, andiyan ka na laging nakaagapay sa akin. Ikaw ang lagi kong sinasandalan sa oras na ako ay nahihirapan. Ikaw ang lagi kong karamay sa oras na ako ay nalulungkot. Ika'y nandiyan sa mga panahong gustong-gusto ko nang sumuko sa buhay, ikaw ang nagpapalakas sa aking loob na kaya ko. Na lahat ng bagay ay makakaya ko dahil nandiyan ka na nakasubaybay sa akin segu-segundo, minu-minuto, oras-oras at maging makalipas man ng isang taon.
"Love, gumising ka na" napakasayang sambit ni Levi. Iminulat ko na nga ang dalawa kong mga mata.
"Bakit love? Anong meron? Bakit parang ang saya mo ata?" sabay sabi ko kay Levi nang gumising ako. "Oo love, tama ka, dahil ang araw na ito ay uuwi na tayo. Iuuwi na kita sa bahay ninyo" sabi niya. "Ha? Uulitin ko ulit ang sinabi mo love ha, ibig mo bang sabihin ay maaari na akong lumabas at puwede na akong umuwi? Tama ba ang pagkarinig ko love? Correct me if I wrong" sagot ko sa kanya.
Habang hinihintay ko ang kanyang sagot na mula sa kanyang mga labi, isang napakatamis na ngiti na lamang ang kanyang ipinakita sa akin at hindi na siya sumagot.
"Love, puwede bang lumapit ka sa akin?" sabi ko kay Levi. At lumapit nga siya sa akin. pagkalapit niya sa akin ay sinalubong ko siya ng isang mahigpit na yakap. Dahil sa matagal-tagal na ring panahon na hindi ko siya nayayakap.
"Love, namiss kita sobra" sabi ko sa kanya. "Ako rin love, namiss din kita sobra. Hindi lang namiss kundi sobrang miss na miss na miss na miss... na kita ng sobra love mmppp" aniya niya at sabay halik sa aking noo.
Makalipas nang ilang oras ay dumating sina Daddy, kuya at ate sa aaking room.
"Dad!" sigaw ko at sinalubong ko rin ng isang mahigpit na yakap. Gayundin kina ate at kuya. "Dad, I have a good news for you" sabi ko sa kaniya. "Ano iyon baby?" sagot niya. "Dad, makakalabas na ako at isa pa ha magaling na magaling na ako kay't hindi na kayo mababahala sa akin okay" nakangiting sabi ko sa kanila.
"Pero bago tayo umalis dito ay mayroon lamang akong ipagtatapat sa inyong lahat. Ngunit bago ko sabihin iyon ay masaya ako na kayo ay nandiyan lagi sa aking tabi. Na kahit kailan ay hindi niyo ako pinabayaan at iniwaan bagkus minahal niyo pa ako ng mas higit pa sa pagmamahal ko sa inyo. Alam kong hindi ko masusuklian ang lahat ng mga sakripisyo niyo sa akin, especially for you Dad. You're always there for me na kahit minsa'y napakatigas ng ulo ko dahil hindi ako sumusunod sa inyo. And also you my Levi,my love. Thank you for the love, for the care and for everything also." maladramang sambit ko sa kanila.
"Ano yan bunso nagpapaalam ka na ba? Gusto muna bang sumunod kay Mommy at kay Aria? Haha" nakatatawang sabi ni kuya.
"Akala ko ba may ipagtatapat ka sa amin ngunit bakit parang nagpapaalam ka na ata, tama nga si kuya haha" sunod naman na sinabi ni ate.
"Kayo talaga ate at kuya ha, hindi ako nagbibiro. Sa katunayan nga ay nakita ko muli sina Mommy at Aira sa aking panaginip kanina. Nakita ko silang masaya sa kanilang kinaroroonan ngayon at alam ko na sa lahat ng ating ginagawa ay nandiyan sila na gumagabay sa atin at alam ko rin na hindi nila tayo pababayaan. At para mas maging masaya at malaya na sila ay tatanggapin ko na ngayon (unti-unti nang tumutulo ang aking mga luha) na wala na sila. Kakalimutan ko na rin ang lahat ng mga pangyayari noon na akala ko'y lagi silang nandiyan na nakakausap at dumadamay sa akin." at hindi ko na napigilan ang aking sarili na humagulgol na sa pag-iyak dahil sa naaalala ko na naman ang mga nagdaan na kung saan ang mga panahon na kami ay masaya pa...na sa panahon na masaya pa kaming nagkukuwentuhan ni Mommy at minsa'y siya ang sandalan ko sa bawat pagsubok na aking natatamasa. Siya ang nag-alaga sa akin simula pagkabata hanggang sa aking pagdadalaga, kaya naman noong nawala na siya sa ating piling ay hindi ko kinaya, hindi ko tanggap na wala na siya ng ganun ganun na lamang.
YOU ARE READING
TALIMUWANG
Teen FictionPagmamahal kaya ang lunas sa nakaraan o pagmamahal ang sisira sa kasalukuyan?