Kabanata 12

1 0 0
                                    


Ilang linggo na ang nakalipas at masasabi ko na unti unti na akong nakakalimot at mas nakakagalaw galaw na ako. Hindi na ako nagmumukmok sa aking kwarto at umiiyak.

Ang mga halaman ko na minsan ko nang napabayaan ay bumalik na. Sila ay unti unti nang lumalago at yumayabong. Naaalagaan ko na sila ng mabuti at hindi na napapabayaan. Mas napaparami ko na sila at may mga bago na naman akong binili. Dahil napansin din ni daddy ang pagkahilig ko sa mga halaman, pinagawan niya ako ng parte sa aming bahay na kung saan ay magandang ipwesto ang aking mga naggagandahang halaman.

Pagkatapos ng aming napakalaking ginastos noon ay hindi na kami dinala ni daddy sa supermarket. Naging doble ang pagtatrabaho niya at pati na rin si mommy. Kami naman ni kuya ay focus sa aming pag-aaral. Ang ipad na ipinabili ko ay ginagamit ko sap ag-aaral at pagrereview ko.

Ilang mga lingo ang lumipas at nadatnan namin ni kuya si mommy at daddy sa salas na mukhang problemado. Napatigil kami sa aming kinatatayuan at kinakabahan.

Lumapit ako sa kanila dahil mas takot si kuya kaysa sa akin.

"May problema po ba daddy at mommy? Tanong ko

Walang umimik sa kanilang dalawa at dismayado ang kanilang mukha.

"Buksan mo iyang sobra nay an at tignan mo kung ano ang nasa loob. Kailangan ninyong ipaliwanag kung anong ibi sabihin niyan." Sabi ni daddy na pagalit.

Dahan dahan kong binuksan ang sobra na nakapatong sa lamesa. Nanginginig pa ang aking mga kamay kahit wala naman akong kasalanan. Minsan lang kase magalit si daddy. Pero kapag nagalit siya, matatakot ka talaga at hindi ka makakaimik. Puno siya ng mga ebidensya at pruweba sa mga sinasabi niyang salita.

Pagkabukas ko ng sobre, may nakita ako. Akala ko mali ang aking pagkakakita.

"Daddy, ano po ito?" tanong ko.

"Ano ba yan?" medyo pasigaw na sabi ni daddy.

Inilabas ko ang nasa sobre upang makita kung ano talaga iyon.

"Ticket?" bulong ko.

"Ticket?!" sigaw naman ni kuya

"Ano?" sabi naman ni mommy

Ngumiti si daddy sa aming mga reaksyon.

Kinuha ni kuya ang laman ng sobre at tiningnan ng mabuti.

"Pupunta tayo ng Hong Kong?" sigaw na sabi ni kuya.

"Hong Kong?!" sabay naming sabi ni mommy ng pasigaw.

"Ayaw niyo ba? Sige. Cancel na lang natin". Sabi naman ni daddy.

"Ikaw daddy. Kailangan mo pa talagang magsinungaling sa akin." Sabi ni mommy.

"Bakit mommy? Anong sinabi sa'yo ni daddy?" tanong ko.

"May kasalanan ka daw sa school niyo kaya kailangan ka daw I expel. Akala ko totoo na. kinakabahan ako ng sobra. Akala ko kung ano nang gagawin ni daddy sa'yo. Ito lang naman pala."

"May surprise pa ba kapag sinabi ko sa'yo? Alam ko naman na hindi mo matupi tupi yang bibig mo." Lokong sabi ni daddy

"So, kailan ang punta natin?" tanong ni kuya.

"Kasama ka ba?" tanong ni daddy.

"Oo naman daddy. Gagamitin ko yung camerang binili natin."

"Bibili tayo ng maleta natin bukas ng umaga. May maghapon tayong mag-empake tas byahe tayo papuntang airport ng 6pm at 8:30 ang flight natin."

"Bukas? Agad agad?" tanong ko na hindi makapaniwala

"Ayaw mo?"

"Gusto po. Gusto" nakangiti ng pilit na sumagot.

TALIMUWANGWhere stories live. Discover now