"Ang taas na ng saranggola ko," malakas kong sigaw habang pinagmamasdan ang makulay kong saranggola sa himpapawid.
"Mas mataas 'yong sa akin," sigaw naman ni Aria sa likod ko.
"Hindi, mas mataas yung sa akin. Tignan mo oh, ang layo na niya rin." Pagpupumilit ko sa kaniya.
"Mas mataas kaya yung sa akin," pagpupumilit niya rin.
Nagtawanan na lamang kami dahil mas mataas pa ang puno ng mangga kaysa sa aming saranggola. Ngunit para sa amin, ito ay napakataas na.
Sabay kaming lumaki ni Aria. Sabay naming nasaksihan ang mga bagay-bagay. Halos lahat ng mga gamit namin ay pareho dahil sabay kami sa lahat ng bagay. Kung sa akin ay pink, sa kaniya naman ay yellow.
Ang tatay ko at tatay niya ay magkapatid. Kami ang bunso sa aming pamilya. Parehong kaming may isang kuya at isang ate. Astig no? Ang pamilya namin ay napakalapit sa isa't isa. Ang daddy naming ay parehong inhinyero at magkasosyo sila sa negosyo at may sarili silang firm. Ang mommy ko naman ay isang businesswoman at ang mommy naman ni Aria ay isang baker. Gumagawa siya ng mga cakes at delicacies na minsan din ay ibinebenta ni mommy sa kaniyang shop o di kaya'y sa social media.
Sa iisang village rin kami nakatira. Hindi magkatabi ngunit sa kalapit na kanto lamang at pagitan naming ang parke ng aming village.
Mula nang bata pa kami ay pareho na kami ng mga gamit. Akala nga ng ibang tao ay magkakambal kami dahil sa lahat ng bagay ay pareho kami ng gusto, ng suot at ng mga ginagamit na bag. Hindi ko alam kung pinagplanuhan ba ito ng mga daddy naming dahil bakit magkakapareho kaming magpipinsan.
Hindi nga lang kami pareho ng kaarawan ni Aria. Mas nauna siya ng dalawang buwan sa akin kaya kung tutuusin ay ate ko siya. Ang galing nga dahil kaming magpipinsan ay magbe-bestfriends.
"Excited ka na bang pumasok sa kindergarten bukas?" taong ni Aria sa akin habang kami ay nakaupo sa swing malapit sa aming mga bahay.
"Syempre, nandoon ka naman kaya hindi ako maninibago." Sagot ko sa kaniya nang nakangiti.
"Oo, hindi na tayo magkakahiwalay dahil panigurado pareho tayo nang papasukang paaralan habang-buhay."
"Oo nga eh, pareho pa tayo ng mga damit." Sagot ko sa kaniya.
"Pareho tayo ng susuutin bukas ha. Yung regalo sa atin ni mommyla." Nakangiting sambit niya.
"Sige, sasabihin ko kay mommy." Sagot ko sa kaniya.
"Ihahatid tayo ni mommyla at daddylo bukas sa school, mas excited sila kaysa kina mommy at daddy natin." Tawang-tawang sambit niya.
Oo nga, mas excited pa ang mga lolo at lola naming sa pagpasok namin sa paaralan. Malapit kami sa lolo at lola naming lalong-lalo na sa side ng daddy namin. Gusto nga nilang kuhanin nila kami sa bahay nila ngunit ayaw naman ng daddy namin kaya madalas na lang kaming dumadalaw sa kanila. Malapit lang naman ang bahay nila dahil sa iisang village lang kami nakatira.
"Laro na tayo, sulitin na natin," sabi niya sabay kuha sa basket naming ng mga laruan.
Dito sa village namin, kilala na kami ng mga tagabantay, mga hard, mga tagalinis, at ang mga hardinero.
Nang malapit na mag-gabi, inayos na namin ang aming mga laruan at gumayak na pabalik sa bahay.
Kinaumagahan, totoo ngang inihatid kami ng aming lolo at lola. Hawak-kamay pa kaming pumasok sa paaralan ay ayaw pa nila kaming iwan. Halos mangiyak-iyak na sila sa pintuan nang tingnan kaming magkatabi sa upuan. Pero syempre, hindi nawawala ang pagkuha ng mga litrato.
YOU ARE READING
TALIMUWANG
Teen FictionPagmamahal kaya ang lunas sa nakaraan o pagmamahal ang sisira sa kasalukuyan?