Kabanata 11

1 0 0
                                    

Ilang buwan na rin ang nakalipas nang tuluyang mawala si Aria sa amin ng walang paalam.

Nahilig ako sa paghahalaman upang doon ibaling ang atensyon ko at para unti unti nang makalimot at makawala sa sakit at puot na nararamdaman ko. Ngunit sinong mag-aakala na sa una lang pala ako magaling.

Bumili ako ng iba't ibang klase ng mga halaman, napakamamahal pa ng mga iba, ngunit imbes na lumago, unti unti na silang namamatay.

Hindi ko pa rin pala kaya. Ngunit susubok pa rin ako.

Nang mapansin ni daddy ang mga nalalanta kong halaman, linapitan niya ako.

"Huwag ka kaseng malungkot, anak. Kita mo, nalulungkot rin sila."

"Paano mo naman nasabi na malungkot din sila, daddy?"

"Anak, ang mga halaman ay parang tao din na may buhay. kung hindi sila naaalagaan ng mabuti, malalanta din sila at tuluyang mamamatay. Kaunti at saglit lamang ang buhay nila. Kaya kailangan din talagang maingat ang pag-aalaga sa mga ganito. Mahal man o mura, dapat ay wala kang iniiba sa kanila anak."

"Akala kop o kase daddy sila na ang magpapatanggal sa kasakitan na nararamdaman ko kaya naparami ang bili ko."

"Naiintindihan ko naman iyon anak at hindi ko naman isinusungbat. Ang akin lamang, pagtuunan mo ang sarili mo na makabangon ulit. Hindi maaari anak na magiging lugmok ka na lamang habang-buhay."

"Opo daddy. Darating din po tayo diyan."

"O sige anak. Maiwan na muna kita at kailangan pa ni daddy magword."

"Sige daddy. Ingat ka po."

Umalis si daddy at naiwan akong mag-isa.

Sa totoo lang, kung maaari ay ayaw kong nag-iisa ako. Parang pakiramdam ko ay nababalot ako sa kadiliman. Parang bumabalik ang lahat.

Napabuntong hininga ako at sinubukan kong ayusin ang mga halaman ko. Sobrang nalalanta nga talaga sila at magang maga na ang lupa.

"Sana maging maayos pa kayo. Sana lumago kayo kahit na napabayaan ko kayo." Sabi ko sa mga halaman na para bang tao.

Pumasok ako sa bahay pagkatapos kong diligan at asikasuhin ang aking mga halaman. Binalak kong gumawa minatamis at naisipang magluto ng leche flan. Pagkabukas ng refrigerator ay napansin kong wala ang mga ingredients na aking kakailanganin.

Napagdesisyonan ko na pumunta sa supermarket dahil doon lang ang alam kong kompleto ng mga aking kailangan.

Nagbihis ako at naghanda na para pumunta. Nagpaalam muna ako kay mommy at daddy para hindi sila mag-aalala sa akin.

"Mommy, daddy, punta lang po ako sa supermarket."

"Samahan ka na namin anak. Ano ba gagawin mo doon?"

"Mamimili lang po ng mga kasangkapan. Plano kop o kaseng magluto."

"Pumunta na tayong talo. Total wala naman kaming ginagawa ng mommy mo"

"Sigurado po kayo daddy? Kaya ko naman pong mag-isa. Kaunti lang naman po ang kailangan ko."

"Hay naku Maeve, halika na"

Ngumiti ako at napailing naman si daddy dahil alam niya na gusto ko talagang pumunta kaming tatlo pero pakipot lang ako.

Habang nasa daan kami ay pilit kong kinukuha ang tulog ko.

"Ano bang balak mong bilhin doon, anak?" tanong ni mommy

"Kung ano pong makita ko na kaya ng budget ko mommy pero ang balak ko talaga ay mga kasangkapan ng leche flan."

TALIMUWANGWhere stories live. Discover now