Nakauwi na kami sa Laoag at kami ay naghahanda na patungo sa simbahan.
"Tabi tayo sa simbahan ha," sabi ni Aria sa akin.
"Syempre naman. Kailan ba tayo hindi nagkatabi sa lahat ng okasyon," natatawa kong sambit sa kaniya.
"Maeve, Aria, tara na!" Sigaw ni Daddylo dahil sa iisang sasakyan lamang kami sasakay lahat.
Pagkarating namin sa simbahan ay napakarami ng tao buti na lang at may reserba kaming upuan doon.
Ilang buwan na lang ay nalalapit na ang aming pagtatapos sa kindergarten ni Aria. Summer na kaya panigurado'y pupunta kami sa farm namin. Sana nga.
"Sa oras na ito, ating tunghayan ang pagtatapos ng ating mga anak sa kindergarten." Sabi ng MC sa aming graduation day.
Napakabilis ng araw. Parang kailan lang ay excited kami ni Aria na pumasok sa paaraln dahil naging homeschooled kami sa nursery. Ngayon ay graduate na kami at mag e-elementarya.
"Isabella Maeve Velasquez, class valedictorian of Class Bibo year 2010. Parents, Engr. Hector Velasquez and Mrs Mavie Velasquez." Sabi ng aming teacher sa kindergarten.
Ako ang naging class valedictorian sa aming klase. Nagsipalakpakan ang mga tao at umakyat na kami ng stage nina mommy at daddy. Sinabitan ako ng medalya nina mommy at daddy gayundin ng aming teacher sa kindergarten.
"Congratulations, baby!" sabi ni daddy sakin na abot pisngi ang ngiti sa akin. Gayundin si mommy na nakangiti sa akin.
"Aria Chloe Velasquez, class salutatorian of Class Bibo year 2010. Parents, Engr. Henry Velasquez and Mrs. Amelia Velasquez." Sabi ng teacher namin.
Umakyat na rin sina tita at tito sa stage kasama si Aria. Narito rin ang mga ate at kuya namin pati sina daddylo at mommylo. Alam naming proud na proud sila sa amin dahil may pahanda silang inihanda para sa amin.
Pagkatapos ng seremonya ay nagkuhanan muna kami ng mga litrato. Abot ang ngiti namin ni Aria sa pisngi dahil sa wakas ay bakasyon na.
"Congrats sa atin, Maeve! Ang galing natin." Proud na sabi ni Aria sa akin.
"Kaya nga eh! Congrats din Aria! Mahal na mahal kita." Sabi ko sa kaniya.
Pagkatapos naming kumuha ng mga litrato ay nagsiuwian na rin kami dahil naghihintay na ang inihanda nila para sa amin. Konting salo-salo lang naman ngunit okay na sa amin ito ni Aria dahil alam at ramdam namin na proud sila sa amin.
Sa unang linggo pa lang ng aming bakasyon ni Aria ay bukambibig na namin ang pagpunta sa farm para maglaro sa aming kubo dahil na-renovate na ito nina daddy at tito. Panigurado'y napakaganda na iyon at malinis na.
"Daddylo, pumunta tayo sa farm, please. Gusto naming maglaro roon." Sabi ni Aria sa lolo namin.
"Sige na nga. Kayo talaga, excited talaga kayo sa kubo niyo eh. Ipagpapaalam ko muna kayo sa mga daddy niyo, kung papayag sila ay doon muna tayo ng isang linggo." Sabi ni daddylo.
"Talaga ba, daddylo?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
"Oo." Sagot niya ng maraan.
Nagtatalon naman kami ni Aria at excited na sa pagtira namin doon ng isang linggo. Makakapaglaro kami roon ng matagal at masusulit namin ang bakasyon. Sana nga ay pumayag si daddy at si tito pati sina mommy at tita dahil sigurado'y mami-miss nila kami.
Kinagabihan ay sabay ang pamilya namin na kumain ng hapunan sa bahay nina daddylo at mommylo. Namimiss na raw kami ng lolo at lola namin lalong-lalo na ang mga ate at kuya namin na marami nang ginawa sa paaralan. Hindi naman namin sila masisisi dahil nasa elementarya na sila at magtatapos na rin. Sina kuya Joash at Kuya Kurt naman ay nasa 1st year high school na at maraming tinatapos na mga gawain.
YOU ARE READING
TALIMUWANG
Teen FictionPagmamahal kaya ang lunas sa nakaraan o pagmamahal ang sisira sa kasalukuyan?