Kabanata 3

21 4 13
                                    


Unang araw ng pasukan ay hinatid na naman kami nina Daddylo at Mommylo sa paaralan. Nasa unang baitang na kami ni Aria at pareho na naman kami ng paaralan at seksyon. Hinding-hindi na kami mapaghihiwalay dahil habangbuhay na kaming makaibigan at magpinsan.

Napakabilis ng naging bakasyon namin. Sa isang iglap ay tapos na ito at namalayan na lang namin ay bibili na kami ng mga gamit para sa paaralan. Sulit naman ang naging bakasyon namin dahil naging pabalik-balik kami sa farm upang magbakasyon, sa mga dagat malapit sa farm, at nagkaroon kami ng oras sa aming pamilya.

Araw-araw pa rin kaming naglalaro ni Aria noon at sobrang saya namin sa tuwing pupunta kami sa farm upang kumuha ng mga sariwang gulay at mga prutas. Kung hindi kami naglalaro ay nanonood naman kami ng Tv o di kaya'y nagbabasa kami o nagsusulat. Walang araw na nainip kami ni Aria dahil madaming bagay na dapat gawin.

"Magandang umaga, class," saad ng bagong guro namin sa gitna ng aking pagmumuni-muni sa aking upuan.

"Magandang umaga po, Ma'am," tumayo na rin kami at binati siya.

"Tayong lahat ay baguhan ditto. Nais ko sanang hingin na magpakilala ang bawat isa upang makilala ko kayo. Maaari ba?" Tanong ng guro na naming.

"Opo, ma'am," sagot naming sa kaniya.

"Ako ng pala si Binibining Rosemarie Queja, ang magiging guro niyo ngayong unang baitang. Tatlong taon na akong nagtuturo sa paaralang ito at ikinagagalaka ko kayong makilala." Nakangiting pagpapakilala niya sa amin.

Isa-isa rin kaming nagpakilala sa kaniya. Halos kaming lahat sa klase ay magkakakilala na dahil ditto kami nag-aral ng kindergarten kaya hindi nab ago sa amin ang iba naming kaklase.

Naging maganda ang takbo ng aming unang baitang. Nahalal bilang class mayor si Aria habang ako naman ang kaniyang nagging secretary. Pagsapit ng pasko, bakasyon na kaya dinala na naman kami ng pamilya sa farm namoin upang mag-relax at magliwaliw. Ilaw buwan din na hindi kami nakapunta rito kaya alam na nila kung ano ang gusto naming. Dito rin kami nagdiwang ng pasko kaya nagagalak ang puso naming ni Aria nang sobra-sobra.

"Namiss ko rito nang sobra, Aria." Saad ko sa kaniya.

"Ako rin. Buti na lang alam nila kung ano ang gusto natin kahit hindi na natin sabihin," sagot niya sa akin.

"Parang reward na nila ito sa atin dahil magalin tayo sa paaralan at sinusunod natin ang mga inuutos nila," nakangiting saad ko sa kaniya.

"At magaling tayo sa paaralan at nakikita nila siguro ang pagpupursiging ginagawa natin," sagot niya rin.

"Basta ha, bff tayo habang-buhay, walang iwanan," nakangiting sabi ko sa kaniya. Hindi ko alam dahil habang kami ay nagkakaedad parang nawawalan na kami ng oras sa bawat isa para maglaro at para magkaroon ng oras para malibang. Kami ay nalilibang na lamang kapag kami ay nasa paaralan at madalang na rin kaming maglaro kapag sabado at linggo.

"Ano k aba, syempre naman. Hinding-hindi tayo mag-aaway at hindi natin iiwan ang bawat isa." Nakangiting sabi niya sabay hinawakan ang aking kamay. "Ikaw ang pinakamagaling sa ating dalawa, Maeve kaya ipagpatuloy mo lang iyan, nandito lang ako sa tabi mo."

"Love you, Aria." Yakap ko sa kaniya.

"Mahal na mahal na mahal din kita, Maeve. Kahit hindi na tayo masyadong nagkakasama, ikaw pa rin ang paborito kong tao sa mundo." Nanagiting sagot niya.

Sa recognition naming, ako ang first at si Aria ang second honor. Palaging ganito an gaming nagiging standing. Tanggap naman naming dalawa kaya walang samaan ng loob.

Hindi naming namalayan ay nasa ikalawang baitang na kami ng elementarya. Napakabilis nang panahon. Parang kailang lang ay naglalaro lamang kami ni Aria sa park ng aming subdivision at palagi kaminhg madungis at pawisan. Ngayon ay tumatanda na kami.

TALIMUWANGWhere stories live. Discover now