To:
From:
Dear
I'm delighted to extend my congratulations on your daughter's admission to our esteemed high school program on behalf of Saint Bernard Academy Incorporated. Our institution offers one of the most exclusive programs in the nation, and we only accept the very best students into our program. Your daughter has scored exceptionally well in the aptitude tests, and we believe she will make a great addition to our school.
You must submit the necessary paperwork and your daughter's support documentation in order to complete the enrolling procedure. If you have any questions, contact the admission office at (494) 579-881.
Congratulations on your achievement. We look forward to a great relationship with you and your family. We are steadfastly devoted to doing everything we can to assist in the development of our pupils into well-rounded young adults. With every best wish, I remain, sincerely yours in Christ.
Thank you for choosing to apply to our program.
Sincerely,
Jairella Margaux Lemayo
Principal
Hindi pa lubusang mulat ang aking mga mata, gising na ang diwa ko nang marinig ko yung sigawan at hiyawan ng pamilya ko sa baba. Nagkuripas ako ng takbo at muntik pa ngang matapilok sa hagdan. Gulat na gulat akong bumaba para tingnan ang nangyayari sa sala
"Anak! Nakapasa ka sa dream school mo!" Masayang pambungad pabalita ng mama ni Maeve
"Heto na ang matagal mong hinhintay na letter oh, dumating na ngayon ngayon lang" dagdag niya sabay wagayway sa sulat na hawak niya.
"Anong nangyayari dine, bakit ang ingay niyo? Rinig hanggang kanto boses niyo a" nalilitong tanong ni tito
"Pamangkin mo, nakapasa sa SBAI! Sinong hindi matitili sa saya" patawang tugon ng mama ni Maeve.
"Hindi ba't parehas na school ang nag-apply'n ni Aria at Maeve? May dumating na bang sulat? Pag-aalalang tanong ng mama ni Maeve
"Wala pa nga e. Hindi kase sila sabay nag-apply dahil nagkaroon ng kaunting problema sa pilahan."
Sabay ang dalawa sa lahat ng bagay. Sa hindi inaasahang pangyayari sa pilahan ng enrollment, cut-off na nang si Aria na ang sumunod. Pinilit pa ni Maeve na magsabay na lang ulit bukas ngunit hindi pumayag si Aria dahil sayang daw ang oras na ginugol sa pilihan at sayang naman ang spot. Ilang oras din silang naghintay ng kanilang oras para lamang makapag-enroll sa dream school nila.
"Sana makatanggap na siya ng letter. Hindi kami maaaring maghiwalay. Ngayon pa e pangarap naming pasukan ang school na ito" pag-aalalang tugon ni Maeve
"Magkadikit na nga mga bituka naming eh, hindi kami puwedeng maghiwalay ng school. Ga-graduate kami sabay dito eh. Gagawa pa kami ng Tiktok trend sa graduation. Naku, planado na lahat." Dagdag na sabi ni Maeve
Natawa naman nang bahagya ang mama at tito ni Maeve. Ang kyut ni Maeve na mataranta e.
"Oh siya, balik na muna ako sa bahay. Ipagluluto ko pa ng paboritong umagahan si Aria. Ang hilig niyang kumain ng daing at itlog sa umaga. Baka may kaliskis na nga iyon dahil halos araw-araw na niyang niya itong request." Patawang kuwento ng tito ni Maeve
"Congratulations, pamangkin. Pagbutihin mo lagi ang pag-aaral mo nang sa gayon ay matupad mo lahat ng iyong pangarap. Huwag ka na munag magpapaligaw dahil dadaan iyan lahat sa amin!" pabirong sabi nito kay Maeve
YOU ARE READING
TALIMUWANG
Teen FictionPagmamahal kaya ang lunas sa nakaraan o pagmamahal ang sisira sa kasalukuyan?