Hanggang sa ngayon ay hindi ko pa rin tanggap ang mapait na pagkawala ng aking kaibigan. Nag-iisa na nga lamang siya, ang aga pang kinuha at ipinagkait sa akin.
Sa paglipas ng araw, masakit pa rin sa akin na isipin na wala na talaga siya.
Wala na akong kasabay sa pagpasok at pag-uwi. Wala na akong kakwentuhan. Wala na akong kasamang tumungo sa paborito naming tambayan, ang kubo. Wala na akong kasabay kumain sa mga restaurant. Wala na lahat. Napakaraming magbabago at pagbabago.
Napakaraming bagay ang sinubukan ko upang makalimutan ang nangyari, ngunit kahit anong gawin ko, nakatatak na ito sa isipan ko.
Sa ilang mga araw, sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa paghahalaman. Iba't ibang uri ng mga halaman ang binili at kinolekta ko. Suportado sina mommy at daddy sa akin dahil alam nila na ditto ko kinukuha ang kasiyahan ko. May mga cacti, sansevieria, iba ibang klase ng Chinese evergreen, at kung ano ano pa.
Naging abala ako sa paghahalaman. Umaga, tanghali, at hapon ay sila ang kinakausap at binibisita ko.
Isang araw, naisipan kong bumisita sa puntod ni Aria at balak na yayain si mommy o daddy.
"Mommy, daddy, puwede po ba tayong magpunta kay Aria?"
"Anak..." tugon nilang sabay.
"hindi po. Ayos lang po ako. Magiging ayos po ako. Miss ko lang po siyang makausap at makita."
"Sigurado k aba anak?"
"Opo daddy"
"O siya sige. Magbihis ka na para makapunta na tayo."
Agad agad akong nagtungo sa kwarto ko at nagbihis. Nasasabik at nasisiyahan ako sa pag-iisip na makikita ko si Aria. Kahit sa puntod niya lamang.
Nakarating kami sa sementaryo at para bang nararamdaman din ng langit ang nararamdaman ko. Napakalinaw lamang nang umalis kami sa bahay. Ngunit nang makarating na kami ay biglang kumulimlim at lumakas ang hangin.
Pagkababa ko ng sasakyan ay nadama ko ang ihip ng hangin na malamig na para bang nangyayakap.
"Aria, kaibigan ko." Bulong ko sa sarili ko
"Pumunta ka na anak at parang uulan pa" sabi ni daddy
"Dalhin mo itong payong anak at baka biglang umulan." Sabi naman ni mommy.
Agad agad akong nagtungo sa puntod ni Aria.
Pagkarating ko, agad na tumulo ang luha ko. Sa pagpatak ng aking mga luha, sabay namang pumatak ang buhos ng ulan.
Napakalakas. Sinamahan pa ng malakas na kulog at kidlat.
Hindi ito naging alintana sa akin. Hindi ko ito pinansin. Balewala lamang. Pilit kong kinausap si Aria kahit napakalakas na ng ulan na para bang tatangayin na rin ako ng hangin.
"Aria, kaibigan ko. Kamusta ka? Matagal na rin nang hindi tayo nagkakasama at nagkikita. Miss na miss na kita. Miss na miss ko na ang pagsasamahan natin. Gusto mo ba akong nakikitang ganito? Pa'no mo ako natitiis? Hindi ba't sabi mo na sa tuwing kailangan kita ay palagi kang nandiyan. Palagi mo akong dadamayan. Aria... kailangan kita ngayon. Maawa ka sakin" soba sobra ang hikbi ko dahil sa malalang pag-iyak.
Sa pagpikit ng aking mga mata, biglang tumigil ang ulan. Biglang nawala ang nararamdaman kong patak ng ulan sa akin."Anak, halika na. basang basa ka na" tawag ni daddy sa akin
"Daddy..."
"Daddy ko..."
Agad akong napayakap kay daddy at inalalayan ako papunta sa aming kotse.
"Sabi ko naman sa'yo anak. Hindi ka pa handing makita siya. Hindi mo pa kaya." Sabi ni mommy
YOU ARE READING
TALIMUWANG
Teen FictionPagmamahal kaya ang lunas sa nakaraan o pagmamahal ang sisira sa kasalukuyan?