Chapter 5

2 0 0
                                    

FIRST DAY OF SCHOOL!

JIANNA'S POV

Kinabukasan maaga ako nagising dahil kinakailangan kong magluto ng pang-umagahan at baon na din for lunch. Habang kumakain kami ni kuya payo sya ng payo, ewan ko na sa kanya di naman na ko bata eh.

Wala kasi si Papa kasi natulog dun sa bahay nila Governor kasi driver sya dun kaya yun wala akong pagsusumbungan  kaya grabe kung magsalita sakin si kuya.

"Dinaig pa si Papa magsermon" sabi ko isip ko.

Natapos na kaming kumain at lahat lahat, hindi parin tapos si kuya magsermon sakin. Ang daming sinabi tungkol dun sa school na papasukan namin. Pero syempre ako naman na hindi nakikinig "Oo" lang sinasagot ko....

"Nakikinig ka na O hindi?" Inis na tanong niya sakin.

"Oo kuya nakikinig ako! Tara na baka malate pa tayo" sabi ko sa kanya.

"Shit oo nga 6:45 na" sagot niya habang natataranta kasi may first subject daw sya 7:00.

"Dami dami kasing sinasabi eh! Malate ka sana hehehe"  sabi ko sa isip ko.

"Jianna dalian mo diyan, malelate na ko! ang tagal tagal mo" inis na sigaw niya.

"Oo eto na pababa na" tarantang sagot ko sa kanya.

Agad na kong sumakay sa kotse niya na hinuhulugan daw niya para na din may magamit sya.

"Sana ako may kotse" napasimangot na lang na sabi ko isip ko.

Pagdating namin agad kong napansin sa  harap ng school na nakalagay sa taas "WELCOME TO KEENS INTERNATIONAL SCHOOL (KINS)" ang ganda naman ng pangalan ng school pangyamanin.

Bigla ko nalang naalala yung principal ibigag sabihin sa kanya nga ang school na ito?

Keens ang last name niya ganon din itong pangalan ng school. Hindi ko mapigilan na tignan si kuya na wala na ngayon sa tabi ko, sa laki ba naman ng paa niya. Hinabol ko sya ng bigla syang magsalita...

"Dun ka pumunta, kasi nandun ang Grade 10 building, wag mo kong sundan" sabi niya na may masungit na awra.

"Ang pangit mo talaga kahit kailan kuya, ANG PANGIT MO" sigaw ko sa isip ko

Agad naman akong pumunta sa tinuro niya sabay dila sa kanya para asarin sya. Kukutusan niya sana ako ng agad akong tumakbo palayo sa kanya at kumaway.

"Kala mo maiisahan mo ko, baka wais ito kuya bleeeehhh hehehe" tatawa tawa akong nagtungo sa mga room at hinanap ang  Section A.

Section A daw ako nilagay ng principal sabi ni kuya ng biglang nagbell na.

Nahanap ko ng ang room ko, kumatok ako bumungad sakin ang magandang mukha na babae sigurado akong teacher dahil nakasuot sya ng uniform ng guro. Ngunit Napakabata ng itsura niya.

"Your Ms Emperial, right?" Tanong niya sakin habang nakangiti.

"Yes po Ma'am"

"Ohh halika na kanina pa kita hinihintay" sabi niya sakin at pumasok may sinabi pa sya sa loob bago ako kawayan na pumasok.

"Class listen" pagpapatahimik niya sa buong klase. Saka niya ko sinenyasan na magpakilala.

"Hello! Good morning everyone, I'm Jianna Samantha Emperial" pagpapakilala ko sa kanila habang nakangiti.

Umingay ang buong klase iba iba. ....

"Ang ganda niya... "

"Crush ko na ata siya"

Game Of LoveWhere stories live. Discover now