Chapter 4

2 0 0
                                        

FAMILY BONDING!

JIANNA'S POV

Sa unang araw ng pagpunta ko sa school na yun. Ang pangit kaagad ng araw ko. Pagkauwi namin ni kuya nagpaalam ako nagmagpapahinga muna, dahil masakit ang katawan ko lalong-lalo na yung kamay ko naalala ko tuloy yung nangyari kanina......

Ano kayang koneksyon ni Eren sa principal at ganon nalang sya kanina matapos makita si Ma'am Emily?

Ang daming tanong sa isip ko bago ako dinalaw ng antok. Pagkagising ko naligo na ko bumaba na para magluto, dahil wala naman kaming aasahan kundi kami lang din na mag-aama.

Tumingin ako sa refrigerator kung ano ang meron na pwedeng iluto. Nag umpisa na kong magluto ng sinigang na baboy kasi yun lang meron sa ref.

Natoto akong magluto dahil matanda na din sila Lola't Lolo ko, ayoko din silang pahirapan sa lahat ng bagay. Kasama naman nila ngayon si Tita Analyn bunsong kapatid ni Papa, kaya di ko na din iintindihin kasi meron naman na si tita.

Patapos na kong magluto ng bumaba na si Papa kasunod si kuya....

"Ang sarap naman ng amoy ng niluluto ng prinsesa namin!" Sabi niya sabay yakap sakin ganon din si kuya.

"Good morning Papa" sagot ko

"Good morning din princess" sagot niya habang nagtitimpla ng kape.

"Ako di mo babatiin bunso?" Tanong ni kuya na nakasimangot.

"Ayoko di kita bati!" Kunwaring sabi ko sabay irap sa kanya.

"Anong ginawa ko sayo ah?" Sumbat niya.

"Masakit parin yung tenga ko piningot mo kuya" sagot ko sa kanya habang nakasimangot.

"Hahahaha yun lang pala eh buti nga yan sayo hahaha" sagot niya habang tumatawa.

"Papa ohhh si kuya" sumbong kay Papa habang nakasimangot.

"Diyan ka magaling magsumbong hahahaha" sabi niya parin habang tumatawa.

"Tama na yan kumain na lang tayo, ikaw Josh ah! Namumuro ka na sa pananakit diyan kay Jianna! " saway ni papa, napangiti naman ako kay kuya ng nakakaloko sabay dila sa kanya. "hehehe..."

"Hindi naman Papa eh" sabi ni kuya habang nakasimangot.

Di na sya sinagot ni Papa nagpatuloy na lang kami sa pagkain, pero ako di parin mawala ang ngiti ko habang kumakain kami....."namiss ko talaga sila".

Patuloy silang nag uusap ni Papa at kuya habang ako patuloy sa pagkain....

Matapos kumain umakyat na ko sa kwarto ko dahil sabi ni kuya sya na daw mahuhugas ng plato kasi nakakahiya daw sakin, si Papa naman pumunta sa mansyon nila Governor kasi tinawagan sya kanina habang kumakain kami.

Nahiga na lamang ako habang nagseselpon dahil wala naman akong gustong puntahan dahil linggo naman ngayon saka bukas pa ang first day ko sa school. Natulog na lang ang ginawa ko.

Nagising ako sa tawag sakin sinabayan pa lakas ng katok sa pinto.

"Bunso bumangon ka diyan" tawag sakin ng peste kong kapatid

"Panira talaga itong mokong nato kahit kailan.... "

"Bakit ba?" sigaw kong tanong sa kanya.

Game Of LoveWhere stories live. Discover now