HIM!
JIANNA'S POV
Nandito ako ngayon sa gymnasium ng school namin. Dahil may concert sila kuya pero nakakapagtaka kung bakit ang daming tao ngayon, kahit gabi na.
Kasama ko ngayon si Sandra, Sarah, Ryan at Miguel mga kaklase ko na kaclose ko lang. Naiinip na ko dito gusto ko nalang umuwi.
"Napakaboring naman dito, issss si kuya kasi eh! Sinama sama palang ako dito."
"Jianna okay ka lang?" Tanong ni Sandra.
"For sure magiging okay yan kapag nakita nya na yung crush nya" natatawang sagot ni Sarah kay Sandra.
"You have crush? Why I didn't know that huh?" Tanong ni Sandra sakin pero hindi ko ito sinagot.
"Halaaa! I'm sorry Jianna I didn't know na hindi alam ni Sandra!" Saad sakin ni Sarah pero inirapan ko lang sya.
Lumapit ito sakin para suyuin ako pero di ko ito pinapansin. Nagpaalam ako sa kanilang magbabanyo lang. Pero di pa ko nakakaalis ng marinig kong sinisisi nila si Sarah ngunit di ko nalang sila pinansin.
Naglalakad ako patungong banyo nang mabangga ako ng impakta.
"What the hell! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?" Sigaw sakin.
"Wow ah! Ikaw na nga itong bumangga ikaw pa itong galit?" Sagot ko dito.
Aalis na sana ako ng hatakin nya ang braso ko pabalik sa pwesto ko.
"Wait! Your familiar?" Saad nya sakin.
"So? Alangan naman na hindi ako pamilyar sayo, baka sa iisang school lang tayo nag-aaral" sagot ko dito na siyang mas lalo nya kinainis.
"Okay! I know her na. Siya yung Andreang Empakta"
"Yeah! I know you already! Your the girl na kasama ni Josh" saad nito.
"And so?"
"Why are you here? Your not welcome here!" Inis na sabi nito sakin.
"Excuse me? Ako hindi welcome?" Pang-aasar ko dito dahil halatang napipikon na sya sakin.
"Yeah you" turo nya pa sakin.
Sasagot na sana ako pero biglang lumapit si kuya sakin. Pero kala ko kung may sasabihin nanaman sya sakin pero nagulat nalang ako nang magstay sya sa tabi ko at pinagkrus ang kamay habang nakatingin sa kaharap ko.
"Bakit ba palagi ka nalang nakikipag-away huh?" Biglang tanong nito sakin.
Akala mo naman kung wala akong kausap. Nang tignan ko si Andreang Empakta ay nakangiti na ito kay kuya. Kaya naman may naisip na nanaman akong lalokohan.
"Tignan ko nga kung di umusok ang ilong mong impakta ka"
Lumapit ako Kay kuya Saka sya binulungan.
"Anong ginawa mo sa impaktang yan!" Bulong ko Kay kuya.
Nang tignan namin sya ni kuya. Salubong na ang kilay nito sakin at umuusok na nga ang ilong nito. Nang balikan ko ng tingin si kuya ay nagkipit balikat lang ito sakin.
"Halika na nga" natatawang yaya ko kay kuya.
Hinawakan ko ang kamay ni kuya at nang tumingin ako Kay Andrea ay inirapan ko ito Saka ako ngumisi sa kanya.
YOU ARE READING
Game Of Love
Teen FictionAng hirap pala masaktan! Nagmahal lang naman ako eh? Bakit ganito kasakit? Ang hirap isipin na lahat ng ipinapakita niya sakin ay isang plano niya lang para paglaruan ako! After a years he's back! And now he said that he love me? Pano ko nga ba...