Chapter 2

5 0 0
                                    

MEET LIMANG UNGGOY!

JIANNA'S POV

Lumaki akong mahirap sa probinsiya ng mga Lola ko, dahil kinakailangan kaming iwan ni Papa. Hindi nagtagal sumunod doon si Kuya Josh para tulungan si Papa habang nag-aaral.

Lumaki akong basagulera , dahil sa dami ng mga taong mapang husga sa panlabas na anyo. Hanggang sa malaman nila Papa at Kuya ang ginagawa ko dito sa probinsiya.

Napilitan silang ilipat ako sa Quezon, kung saan si Papa ay nagtratrabaho at si Kuya ay nag aaral.

Wala naman talaga akong balak lumipat, ngunit mapilit sila Papa at Kuya para na din daw mabantayan nila lahat ng galaw ko.

Patungo ako ngayon sa paaralang sinabi sakin ni Kuya na magkikita daw kami doon. Habang naglalakad ako patungo dun may mga kabataan na puro lalaki ang humarang sakin......

"Miss maaari ba naming malaman ang iyong pangalan?" Sabi ng lalaking payat na matangkad habang nakangisi ng nakakaloko.

"Oo nga miss, ang ganda mo naman!" Saad naman ng lalaking nakalolipop.

"Sino ba kayo?" Sagot ko na sabay tingin sa kanila.

"Nakakairita naman itong mga ito nakakawalang gana, ang pipiling Kala mo naman kung ang gwagwapo". Nasabi ko na lamang sa aking isip.

"Ang sungit ko naman miss makikipagkilala lamang kami sayo" Saad ng nakasumbrero.

Hindi ko sila sinagot, tinignan ko ang relo ko 7:47am na.... "Shit kailangan ko ng umalis malelate na ko" sabi ko sa kanila at aalis na sana ko ng biglang may humawak sa braso ko......

"Makikipagkilala lang kami miss, mahirap ba yun?" Sabat ng isa sa kanila habang hawak ang braso ko.

"Wala akong pakealam sa inyo" Sabi ko sa kanila at hinarap yung may hawak sa braso ko.... " pwede ba bitawan mo na ko" sabay alis sa kamay nya na nasa braso ko.

"Bastos ka ah... Makikipagkilala lang ayaw mo pa... " sabi ng matangkad habang lumalapit sakin.

"Haysss wala akong oras para sa inyo, Kaya pwede ba tigilan nyo na ko" sabi ko

"Haysss uubusin ata nila ang pasensya ko"

"Makipagkilala ka na kasi, hindi ka titigilan ng mga yan" sabi ng isa pang nakared ang buhok.

Tinignan ko silang lahat "kakayanin ko kaya sila, haysss bahala na nga no choice ako eh." bulong ko habang napipikon.

"Ano miss? Ano ang pangalan mo magandang binibini? Sabi ng nakalolipop habang lumalapit.

"Wag kang lalapit or else.... " di ko na natuloy dahil sa sobrang lapit na niya, sinapak ko siya sa sobrang lakas natumba siya. Naalarma sila dahil sa ginawa ko....

"Wala hiya ka, nagpalakilala lang kami nanapak ka na, preee ayos ka lang ba?" Sabi sakin ng humawak sa braso ko kanina at agad na tinulungan ang kasama niyang tumayo.

Lumapit sila sakin ngunit agad akong tumakbo ng tumakbo hanggang sa kalsada, wala akong pakialam sa mga sasakyan basta kailangan ko lang tumakbo para di nila ko maabutan.

Pero sa malas na araw na ito, nakubong ako at wala na kong matatakasan...

"Haysss pano na ito! kaya ko ba sila? Bahala na nga....."

Game Of LoveWhere stories live. Discover now