Chapter 3

1 0 0
                                    

CRUSH!

JIANNA'S POV

"Nasan na ba kasi si kuya? Nakakainis naman eh ang init pa naman!" Inis na bulong ko.

Nahihilo na ko kakaikot dito sa pesteng school na ito, ang lawak naman kasi ang mahirap talaga maghanap kapag ganto.

Napaupo na lang ako sa upuan ng bigla nalang may tumabi sakin. Ayokong tignan kasi alam kong aksidente lang na tumabi siya sakin ng bigla syang nagsalita.

"Sorry kanina ah! Di naman namin sinasadyang pagtripan ka eh" sabi niya.

Tinignan ko sya at pinagmasdan ko hanggang sa na pagpagtanto ko na sya yung lalaking red ang buhok na kaninang nakaaway ko nasa tabi ko ngayon at humingi ng tawad sakin?  "Wow nakakanice ahh".

"Pero grabe ang sakit mo sumapak! Tignan mo ginawa mo sa mukha ko nangingitim na?" Sabi niya na sobrang sakit talaga ng ginawa ko.

"Bat kasi haharang-harang kayo"

"Kapag ba may humarang sayo sinasapak mo na? Tanong niya na parang naniniguro pa kung totoo ba ang inaakala niya.

"Hindi naman! Depende pa rin yan sa mga taong humaharang sakin, saka nainis talaga ako sa inasta niyo kanina" Sagot ko sa kanya habang inaalala ang mga ginawa nila lalo na yung sumapak sakin.

"Kaya nga nagsosorry ako ngayon sa ginawa namin" sabi niya

"Okay"

"Anong okay?" Nalilitong tanong niya.

"Okay na kako"

"Yun lang di mo man lang ako papaluhudin or what?" Nagtatakang tanong niya.

"No! I didn't want to do that" I said.

"Why? Grabe ng ginawa namin sayo!" Sagot niya

"Bale wala lang sakin yun"sabi ko saka bumuntong hininga.

Masakit nga yung sapak sakin pero hindi ako ganon kabilis magtanim ng galit O sama ng loob sa kahit sino, lalo na kung mas masakit naman ang ganti ko sa kanila.

Wala akong narinig na salita sa kanya kaya nilingon ko sya na ngayon at nakatitig na pala sakin habang nakangiti? "what's wrong with him?"

"May nakakangiti ba sa mukha ko?" Tanong ko sa kanya habang nakaturo sa mukha ko.

Umiling sya sabay tawa! Nakakainis naman itong lalaki na ito nakakabobo!

"Btw I'm Lian Gonzales" pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay.

"Jianna Samantha Emperial" sabi ko sabay tanggap sa kamay nya.

"Jianna lang naman pala eh! Pinahirapan mo pa kami kanina! " sabi niya saka kamot sa batok.

Hindi ko na sya sinagot at tumayo na ko para salubungin si kuya na may salubong na kilay ng makita kami ni Lian.

"I have to go Lian, nice meeting you" sabi ko sabay takbo kay kuya.

Tumayo na din sya pagtingin ko sa kanya at may sinabi pa syang di ko naintindihan "nice meeting you too Jianna" lang ang narinig ko sabay kaway sa kanya.

Salubong na kilay kaagad niya ang nakita ko, nang makalapit ako bigla nya na nalang akong....... Piningot sa tenga..

"Ang sakit shit"

Game Of LoveWhere stories live. Discover now