CHAPTER 19

3 0 0
                                    

CHILDHOOD MEMORIES!

JIANNA'S POV

FLASHBACK.......

"Jianna dalian mo!" Sigaw ni Sandra sakin habang tumatakbo sya palayo.

"Hintayin mo ko Sandra!" Tumatakbo ding sabi ko dito.

"Dalian mo malapit na sayo si molaf" saad nito habang may tinuturo sa likod ko. 

Sasagot na sana ako ng bigla nalang may pumatid sakin. Babangon na sana ako para sugurin ang pumatid sakin nang bigla akong dinilaan sa mukha ni molaf.

"Hey molaf! Come here" saad ni Sandra sa aso nya at agad naman itong nagtungo sa amo nya.

"At ikaw naman bakit mo ko pinatid? Papansin ka ah!" Saad ko kay Jaspher.

"At sino ba kasing nagsabing ako yun?" Ani naman nito sakin.

Kaming tatlo ang palaging magkasama nun sa park. Pero sa dahil umalis si Jaspher para magtungo sa Europe kinuha sya ng mga magulang nya doon para mag aral.

Sa kalaunan nagising ako na nasa loob ako ng kotse kasama si tita Lily dahil ito ang nagsundo sa akin sa school.

Pauwi na kami ng biglang......

END OF FLASHBACK...........

Nagising ako sa tapik at tawag nila sakin.

"Are you okay princess?" Sabay na tanong nila Papa at Mama.

Umiling ako sa kanila.

"M-ma P-pa! Na-natatandaan ko na po lahat! A-ang hindi ko lang po matandaan ay ang huling kasama ko si tita Lily" natatakot na saad ko sa mga ito.

"Dahil yung araw na yun mismo kayo maaksidente Jianna" sabat ni kuya.

"Josh wag mo naman binibigla ang kapatid mo!" Saway ni mama sa kanya.

"She need to know the truth tita"

"We know Josh pero dahan dahan naman, wag mo syang biglain!" Ani ni mama.

"That's enough!" Pagpapatigil ni Papa nang tangkang magsasalita nanaman si kuya Kay Mama. 

"Look princess! Listen to me, I know that you need to know the truth but not now, dahil mas kailangan mo ang magpahinga sa ngayon dahil sa kalagayan mo, naintindihan mo ba ko Jianna?" May pagkaistriktong tanong ni Papa sakin kaya wala akong magawa kundi ang tumango nalang dito.

Nakatulog ako matapos ang pag uusap namin nila Papa tungkol sa naalala ko. Nagising nalang ako sa ingay ng nasa paligid ko.

"OMG gising na si Jianna" saad ng pamilyar na boses.

Nang idilat ko ang mga mata ko at mukha kaagad nila Lia, Rex at Niko ang nakita ko.

"Okay ka lang ba Jianna?" Nag aalalang tanong ni Lia.

"Malamang hindi gaga tignan mo naman sya mukha ba syang okay sa lagay na yan?" Sabat ni Niko.

"Tumigil ka nga diyan Niko! Tignan mo nagising si Jianna dahil sa ingay mo!" Saad naman ni Rex dito.

Game Of LoveWhere stories live. Discover now