"KANTA!"
JIANNA'S POV
Nang matapos sila kumanta. Nagulat ako dahil sabay pa silang tumingin sakin. Mas nakaramdam ako ng kaba lalo nang magtinginan silang dalawa na parang may kung anong alitan sa kanila na hindi namin alam.
Agad akong tumayo para lumabas muna sana dahil di ko matitigan yung dalawang nakatingin sakin ngayon. Nang marinig ko ang boses ni kuya na tumatawag sakin mula sa stage.
"Jianna come here" kumakaway na tawag sakin nito.
Agad naman akong umiling sa kanya pero patuloy parin ito sa pagtawag sakin na sya namang kinainis ko.
"Pumunta ka na kasi ang dami pa kasing arte" saad ng nasa likod ko na palang si Eren.
Tinignan ko lang ito ng masama saka ako nagtungo sa stage.
"Ladies and gentlemen, this is my one and only sister" saad ni kuya na sya namang kinalakas ng bulungan sa paligid.
"Hey! hey! Makinig muna kayo sakin..... Oo alam ko namang di kami magkamukha kasi pangit naman talaga sya eh!" Natatawang sabi pa nito sa mga nanonood samin, nang makatyempo ako at agad akong lumapit sa kanya saka ito kinurot sa bewang.
"Ohh di ba? Nakita nyo yun? Nangungurot nanaman sya kasi sa pagkakaalam nya inaasar natin sya eh! Kahit lahat naman ng sinasabi ko sa kanya ay totoo" saad nanaman nya pero inirapan ko lang ito saka tumingin sa malayo.
"Btw guys, hindi ko sya pinapunta dito dahil lang para asarin syempre! Dahil kakanta sya mismo sa harapan nyo" nanlaki ang mata kong tumingin sa kanya dahil sa kanyang huling sinabi nito.
Nang tignan ko ang mga tao sa paligid ay nasa akin na ang tingin at sumisigaw na ang mga ito..
Binalikan ko ng tingin si kuya pero wala na ito sa tabi ko. Tinignan ko kung nasan sila mama at papa na nangiti na sila ngayon sakin at tumango tango sakin. Nagulat ako ng may tinuturo si mama sa likod ko.
Nang tignan ko ito nakita kong nakatayo na si kuya sa likod ko habang hawak ang kanyang gitara, nakangiti na ito sakin parang sinasabi ng ngiting iyon na umayos ako at mag uumpisa na. Inirapan ko pa ito pero tinawanan lamang ako nito.
Isang hakbang palang ang nagagawa ko ng mag-umpisa nang tumutog si kuya ng girata. Na sinunod naman ng mga kabanda nya saka lumapit sakin si Xander.
"Don't worry! Josh is always be your side! He trust you" Sinasabi nya ito habang binibigay ang mic sakin.
Hindi ko ito kinukuha dahil ayoko talaga pero nang hawakan nya ang kamay ko at dun nilagay mismo ang mic ay wala akong magawa kundi kunin nalang ito.
Umalis na si Xander sa tabi ko at nagtungo sa gilid. Nawala ang tingin ko kay Xander nang marinig ko ang boses ni kuya kaya agad ko itong tinawanan.
"You're really cute, I must admit
But I need something deeper than this
I wanna know when I'm looking at you
That you don't only see the things you want to" kanta ni kuya na syang ikinatawa ko dito."Cause I'm not perfect, I'm flawed
And if you don't like that, get lost
'Cause I don't want it if it's fake
I don't want it if it's just for show, for show
I just want it if it's real and I'm thinking I should let you know, you know!" Ako na sumunod kumanta kay kuya dahil napapangitan ako sa boses nya. Pero ang totoo isa sa favorite song ko ang pinapakanta nila sakin kaya nung marinig ko ito ay nawala ang kaba ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/341107293-288-k970323.jpg)
YOU ARE READING
Game Of Love
Teen FictionAng hirap pala masaktan! Nagmahal lang naman ako eh? Bakit ganito kasakit? Ang hirap isipin na lahat ng ipinapakita niya sakin ay isang plano niya lang para paglaruan ako! After a years he's back! And now he said that he love me? Pano ko nga ba...