Chapter 10

2 0 0
                                    

MOTHER!

JIANNA'S POV

Ang kaninang pinapigilan kong luha ko ay bumagsak na. Agad na nagflashback sakin lahat ng nangyari nung araw na umalis sya at hindi na nagparamdam...

FLASHBACK......

"Mama where are you going?" I said her.

"Magtratrabaho lang si mama!" She said.

"Nagtratrabaho na si Papa! Bakit pati ikaw magtratrabaho din? Iiwan mo din kami?"

"Hindi ko kayo iiwan anak!"

"Pero gusto ko dito ka lang mama" saad ko sa kanya habang naiiyak na.

"Hindi maaari anak, sana maintindihan mo si mama ok ba yun jianna?" Sagot nya sakin at hinalikan ang noo ko. Saka sya lumapit kay kuya.

"Josh aasahan kong aalagaan mo ang kapatid mo ah" sabi nya kay kuya saka nya hinalikan ang noo nito.

"Opo kailan ka po babalik tita?" Tanong ni kuya at nilapitan na ko.

"Hindi ko masasabi kung kailan Josh! Kaya ipangako mo sakin na aalagaan mo ang iyong kapatid"

"Pangako po tita" sagot ni kuya sa kanya.

Lumapit sakin si mama at humalik ulit saka nya kinuha ang mga bagahe nya...

"Behave ka lang kay papa ah princess" saad ni mama sakin tumango nalang lamang ako sa kanya.

"Tatawag ako para kamustahin kayo pangako iyan" saad nya ulit saka umalis na...

END OF FLASHBACK............

Pagkatapos ng araw na yun inaasahan kong tatawag sya samin para kamustahin kami dahil yun ang pangako nya samin bago umalis...

Pero lumipas ang isang buwan wala parin kaming natatanggap na tawag mula sa kanya habang tumatagal hanggang sa lumipas ang isang taon wala paring tawag mula sa kanya.

Kaya mula noon alam kong iniwan na talaga kami ni mama. Wala na din kaming balita sa kanya. Ni hindi namin alam kung ano ang nangyari sa kanya sa ibang bansa maging si papa hindi sya makontak.

Ngayong taon lang sya tumawag kay papa. Nais daw akong kausapin ni mama pero sinasabi ko na busy ako sa study ko para di na nya ko kulitin na kausapin sya.

Hindi naman sa may sama ako ng loob sa kanya ngunit inaamin kong galit ako sa kanya. Ayoko din syang makausap at makausap.

Pero kanina ng sinabi ni papa kanina na uuwi sya para sakin ay hindi ko ipagkakailang may saya sa loob ko pero may nagsasabi din sa loob ko na wag akong maniniwala sa sasabihin niya kasi katulad noon iiwan nya din kami...

Nakatulog ako pagkatapos kong umiyak. Kinabukasan nagising nalang ako na may humahaplos aking buhok. Pagmulat ko agad ko namang kinagulat dahilan ng pagkatabig ko sa lamesa ng ilaw sa gilid ng kama ko...

"Are you okay princess?" Tanong nya sakin habang hawak ang braso ko na dahil sa sakit ng pagkakatama nito sa lamesa.

Agad kong tinanggal ang kamay nya sa braso ako saka sya tinignan ng masama...

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin parin sa kanya ng masama.

"Gusto kita makita! Wag ka namang ganito sakin jianna" sagot nya sakin na may pagmamakaawang tingin sakin.

"I don't want to talk to you and to see you! Maaari ka ng lumabas sa kwarto ko!" Saad ko sa kanya at tinuro ko pa ang pinto palabas.

"Pero-"

"Mama please!" Pagputol ko sa sasabihin nya.

Bumuntong hininga na lamang sya sabay tango at tumayo na para lumabas. Agad naman akong humiga ulit sa kama ko. Hindi ko akalaing ngayong araw sya uuwi? Kakasabi pa lamang ni papa sakin kahapon na next week ang uwi nya! Pero bakit nandito na sya kaagad......

Pagkatapos kong mag-isip tumayo na ko at nagtungo sa cr para makaligo at agad na lumabas. Pagkababa ko naabutan ko si Papa na yakap si Mama sa likod habang nagluluto.

Tila ata ang bilis nilang magkaayos? Kung sabagay hindi na ako magtataka kay Papa dahil simula ng umalis si Mama ay hindi na naghanap si Papa ng mapapang-asawa dahil si Mama lang nakakapagpasaya sa kanya.

Papasok na sana ako sa kusina ng marinig ko ang pangalan ko sa pag-uusap nila Papa at Mama.

"Kamusta ang pagpasok mo sa kwarto ni Jianna Honey?" Tanong ni papa kay Mama na nagluluto na ngayon at si papa ay nagsisipilyo.

"She's mad at me honey! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko! " Sagot nya kay papa.

"Di nya kasi alam kung ano ang nangyari! Bakit hindi mo ipaalam sa kanya tutal malaki na sya at maiintindihan nya ito panigurado" saad ni papa.

"Pero hindi ko alam kung makikinig sya sakin?"

"I'm still here honey! I told you wag mo sosolohin ang problema mo! Asawa mo ako!" Papa said.

"Thank you honey for always be my side and I'm sorry for everything" sagot nya at niyakap si papa.

Nagpatuloy na ko sa pagpasok sa kusina para magtungo sa ref dahil uhaw na uhaw na ko. Habang umiinom ako biglang nagsalita si Papa at tinanong ako.

"Kamusta ang tulog mo princess?" Papa said.

"Okay lang po Papa! Where's kuya?"

"Maaga syang nagpaalam na aalis daw sya kasama ang mga kaibigan nya!"  Si mama ang sumagot sakin.

"Bakit di nya ko sinama! Kainis naman eh!" Sagot ko saka tatalikod na sana ako ng biglang magsalita si Papa.

"May pupuntahan tayo with your mother!" Sabi ni Papa sakin.

"Wala po ako sa mood gumala Papa kayo nalang po!" Sagot ko sa kanila at tumalikod na.

Sinundan kaagad ako ni Papa....

"Gustong bumawi sayo ng Mama mo kaya nais ka naming isama Jianna!"

"But Papa wala po ako sa mood! I'm sorry"

"Then kung saan mo gusto pumunta! Pupuntahan natin, iyon ba ang gusto mo?" Sagot naman ni Mama.

Hindi ko sya sinagot. Kaya agad syang lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Alam kong galit ka sakin Jianna! Hayaan mo kong gawin ang lahat para makabawi si Mama sayo" sagot nya sakin.

"Anak pagbigyan mo ang Mama mo! Wag kang mag-alala ipapaliwanag nya sayo ang lahat" sagot naman ni papa.

"Sige po pero wag po ngayon wala po talaga ako sa mood para mamasyal! Gusto ko na pong makapagpahinga!" sagot ko sa kanila.

"Pero kumain ka muna princess" saad ni mama sakin pero umiling agad ako sa kanya.

"Busog pa po ako! Baba nalang po ako kapag gutom na po ako" sagot at agad na umakyat sa kwarto ko.

Nagcellphone nalang ako habang nagseselpon naisipan kong tawagan si kuya para ibunton lahat ng inis sa kanya... Pero nakailang ring na hindi parin nya sinasagot kaya mas nainis ako.

Nahiga nalang ako ulit saka nagcellphone. Bumaba ako para kumuha ng pagkain ko kapag nagugutom. Natulog, kumain, magcellphone at nag-isip lamang ang ginawa ko buong araw.

Game Of LoveWhere stories live. Discover now