BADUY!
JIANNA'S POV
Kinaumagahan papababa na ko sa kwarto ko ng marinig kong nag uusap sila mama at papa.
"Ngayon na kaya natin sabihin kay Jianna?" Tanong ni Papa Kay Mama habang nagluluto ito.
"Sa tingin mo maayos na ang kalagayan ni Jianna? Jimuel naman! Maawa ka naman sa anak mo!" Sagot ni mama sa kanya.
"But honey! Josh is right, our daughter needs to know it!" Ani ni Papa.
"Yeah I know! But our princess is not feeling well! I want our daughter to enjoy this vocation not to suffer!" Saad ni mama Kay Papa, walang nagawa si Papa kundi ang tumango dito.
Ang daming tanong sa isip ko kung ano ang huling nangyari na kasama ko si tita lily dahil malakas ang kutob Kong dun nag-umpisa ang lahat.
Ilang minuto ang lumipas ay nagdesisyon na kong bumababa na at nang makita ako ni Mama agad itong lumapit sakin.
"Good morning princess" Sabi nito saka ako hinalikan sa pisngi.
"Good morning mom! Where's Papa and kuya?" Tanong ko habang naglalagay ng tubig sa baso.
"Ang Papa mo kababalik sa lang sa kwarto! May kinuha ata at ang kuya mo naman nandun na sa tabi ng dagat kasama ang mga kaibigan nya" sagot nito.
Akma na kong lalabas ng tawagin ako ni Mama.
"Hey Jianna! You need to eat first! Di ka na namin ginising kagabi dahil nakatulog ka na kaya samahan mo kami ngayon ng daddy mong kumain bago ka lumabas!" May pagkaistriktong sabi nito sakin kaya tumango nalang ako sa kanya at agad na umupo sa mesa.
"Oh gising ka na pala princess! Okay ka na ba anak?" Nag aalalang tanong ni Papa ng makalapit sakin.
"I'm okay Dad!" Saad ko.
"Pagpasensyahan mo na ang mommy mo dahil may topak ata ngayon" natatawang sabi nito.
"Okay let's eat!" Sabi naman ni Mama na ngayon ay nasa tabi ko na.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako sa kanila.
Paglabas ko agad kong nakita si Eren na nakatingin sakin pero inirapan ko lang ito.
"Ang baduy mo naman!" Sabi nito ng lalagpasan ko na sya.
"What did you say?" Iritableng tanong ko dito.
"Ang sabi ko ang baduy mo!" Ulit nya.
"Ano bang problema mo ah?"
"You are my problem!" Saad nya.
"Papansin ka din eh?"
"I'm not sinasabi ko lang ang nakikita ko"
"Umagang umaga papansin ka! Bwisit" saad ko at pagabog nang bumalik sa hotel.
Pabagsak kong sinara ang pinto.
"Oh anong problema?" Tanong ni papa
"Okay ka lang ba anak? May masakit ba sayo?" Sabay na tanong ni mama at papa sakin nang makapasok na ko sa room namin.
"Maaaa baduy ba ang suot ko?" Nakasimangot kong tanong dito.
"Hindi naman bakit?" Nag-aalanganing saad nito.
YOU ARE READING
Game Of Love
Novela JuvenilAng hirap pala masaktan! Nagmahal lang naman ako eh? Bakit ganito kasakit? Ang hirap isipin na lahat ng ipinapakita niya sakin ay isang plano niya lang para paglaruan ako! After a years he's back! And now he said that he love me? Pano ko nga ba...