Kabanata 19

551 22 59
                                    

WARNING: Contains sensitive and disturbing content related to rape. Reader discretion is advised.

Please be vigilant of sudden switches in point of view from first person to third person and back to first person.

Kabanata 19

Blackmail

Isang linggo na ang nakalipas pero wala pa ring nagbabago sa pakiramdam ko. Hindi naman ito lumalala pero parang nagiging consistent na ang pagkahilo ko at pagsusuka.

Ngayon ay mag-isa lang ako sa bahay. Nagpumilit pa na hindi nanaman papasok sa kompanya niya si Syllvester dahil babantayan niya daw ako hanggat sa maging maayos na ang pakiramdam ko, pero kasi mag iisang linggo na din siyang hindi pumapasok dahil sa akin.

He suggested na dalhin niya ako sa ospital for a check-up pero kaya ko pa naman, baka pagod lang kasi 'to tapos exaggerated lang siya.

Naririnig ko pa minsan ang pinag-uusapan nila ni Alexies ang secretary niya tuwing tumatawag ito kay Syllvester.

May mga kailangan siyang permahan na mga importanteng papeles at meetings na kailangan puntahan kaya muntik ko nang pagalitan dahil ayaw niya nga sanang pumasok.

Nakailang tulog na din ako ngayong araw. Ilang tulog pa ba ang kailangan ng katawan ko para maging normal ulit pakiramdam ko.

Siguro nga'y sobrang pagod lang 'to. Kailangan ko na sigurong uminom ng gamot.

Gamot?

Napatawa ako sa naisip ko. Ni minsan ay hindi ko naranasang maalagaan noon, ako ang nag-alaga at nag gamot sa sarili kong sugat. Pero ngayong nasa pamamahay na ako ni Syllvester, nasanay ang katawan ko na wala masyadong mabibigat na gawain.

Ngayon lang ulit ako nakaramdam nang inaalagaan. Simula kasi noong nawala si mama, simula nang ibinenta siya ng ama ko sa itim na pamilihan ay hindi ko na alam saan ako huhugot nang lakas.

Ang bata ko pa nang mawala sa tabi ko si mama. Walang tumatayong ama, at walang ina na yumayakap sa akin tuwing puno nang mga pasa, dugo, at sugat ang katawan ko.

My father was in love with other woman who wasn't my mom and that broke me, too. It was too much for me to handle. My mother attempted to end her life but I was there, I saw it with my naked eyes.

I stopped her. Since then, the amount of rage I have towards my father is uncontrollable. Ang pananakit ng ama ko at ang tauhan niya sa akin ay kaya ko pang tiisin keysa makitang ang ina ko ang binubogbog.

I tightly closed my eyes as anger consumed my heart once again. The anger that seemed endless—incapable of being appeased.

I have a brother, but... our relationship is strained. He is younger than me by three years, and he left our father's house.

As far as I know, Liustheo has been searching for him.

Lost in my thoughts, I realized I was staring into space, reminiscing about my life experiences. A life that seemed destined for me.

A life I didn't want but couldn't escape. So as long as I still have time to savor the life I have now, I will make the most of it.

Our lives won't be peaceful if our pasts, both mine and his, continue to disrupt our present.

Napatingin ako sa orasan. Gabi na pala. Kumunot ang noo ko dahil alas otso na ng gabi pero wala pa din si Syllvester. Hindi pa ito nakakauwi. Pangatlong araw na niya itong late lagi umuwi.

Tumayo ako para hanapin ang cellphone ko. Saan ko nanaman ba nailagay 'yon.

Lumabas ako sa kwarto niya at nahanap ang cellphone ko sa loob ng silid ko. Kinuha ko kaagad ito na nakapatong sa ibabaw ng kama.

Ineffable Menace of Love (PDA Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon