Kabanata 55

1.2K 34 73
                                    

Please be vigilant of sudden switches in point of view from first person to third person and back to first person.

Kabanata 55

After my emotional outburst on the side of the road, I went straight home to the condominium.

My children were there with Dury and Mawi. Sometimes, I find myself wondering if they have anything else to do in their lives because they always want to watch over my children and be with us. Para ko na rin silang mga kapatid. Kahit minsan ay nakakatok na ang utak ng dalawang 'yon at nahahawaan na nga ako.

I checked the time on my watch before entering the unit. Ngayong gabi ang annual banquet. It's also important because, as Mrs. Girruero mentioned, it's a big opportunity to further promote my company and meet prominent figures in the industry.

"Oy andyan ka na pala, Phil." bati ni Dury. Nakaupo sila ngayon sa sala at nanonood ng telebisyon.

"Musta pag visit sa site, malapit na matapos?" dagdag na tanong ni Mawi.

Hindi ko muna sila sinagot dahil napansin kong wala rito ang mga bata.

"Asan ang kambal?"

Tinuro ni Dury ang kwarto gamit ang nguso niya, "Nag sleep well kasi hapon na, Maddy."

"Maddy?" takang tanong ko at inilapag ang sports bag ko.

"Mommy and Dzaddy!" Mawi and Dury answered in chorus.

I grabbed the pillow and threw it to them. The two of them burst into laughter.

Umupo ako kaharap nila bago sumagot sa tanong nila kanina. "Malapit ng matapos, dinagdagan ng trabahante kaya mas naging mabilis ang trabaho."

"Edi mas mabuti para matapos na 'yang pro—teka!" biglang napatigil si Mawi sa sasabihin niya at nagsalubong agad ang kilay. Akmang tumayo na ito at lumapit sa akin.

"Umiyak ka ba?!" marahan niyang hinawakan ang baba ko at itinaas iyon para makita niya nang maayos ang mata ko.

"Hindi, bakit naman ako iiyak. Anong iiyakan ko sa site?" hinawi ko ang kamay niya at umupo na si Dury at Mawi sa carpet.

"Sinungaling! Mukha ka ng insik na nabankrupt!" singhal ni Dury at tinaasan ako ng kilay.

Tumawa ako dahil sa reaksyon nila.

"Wala kang ibang iiyakan kundi ang lalaking 'yon." hinawakan ni Mawi ang kamay ko at pinisil iyon.

"I guess nagkita na naman kayo sa site? Ano nanaman ang sinabi niya?" nagmamalditang tanong ni Dury.

Bumuntonghininga ako bago sumagot, "Nah. He just mentioned the name of the girl... Ayun lang, nasaktan lang ako. Hindi na malaking bagay 'yon. Wag na natin pag usapan." ngumiti ako. Hindi pilit kundi buong pusong ngiti.

"Sus! Maliit man o malaki, pag nasaktan ka! nasaktan ka. Anong hindi malaking bagay?!" singhal ni Mawi at aktong manununtok na sa hangin.

Sanay na ako sa reaksyon nila palagi. Naaaliw din naman ako kasi ang tataas ng dugo ng mga babaeng 'to.

Tumayo si Dury na ikinabigla namin ni Mawi.

"So what's the name of that impakta?!" halos sasanib na ata sa noo niya ang kilay niya dahil sa taas ng arko nito. Namewang pa ito habang nakatayo sa harap ko.

"That copy cat burikat!" sinundan naman ito ni Mawi.

Daig ko pa may anak na babae.

"She's trying so hard to be you! Like exactly ikaw. Except sa pananamit because you're more than elegant and sexy than her. Tsaka package ka na. Mommy na Daddy pa." Mawi pursed her lips and look at me with her teasing look. Kinagat niya pa ang labi niya.

Ineffable Menace of Love (PDA Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon