Please be vigilant of sudden switches in point of view from first person to third person and back to first person.
Kabanata 50
I took a deep breath. So many thoughts are running through my mind right now. "Hindi ko na alam... May parte sa akin na sige pa, pwede pa. Baka bukas malay natin baka sa susunod na linggo maayos na ulit." may parte rin na parang paayaw na ako. Na tigilan ko na, na bitawan ko na.
"Parang umaasa ka sa walang wala na," she spoke clearly.
"Phil, marami pang lalaki dyan, tatanggapin at mamahalin ka."
"Maganda ka, idagdag pa ang karisma mong mala daddy. Gawan kita IG account tapos post natin thirst trap." rekomendasyon niya na nagpakunot sa noo ko.
"Alam mong hindi ko gugustohin 'yan, hind-" putol sambit ko.
Kunwari'y may sinara siya sa hangin para mapatigil ako, "Oo na, hindi ka mahilig sa social media, pero mawewendang ang mundo sa'yo."
Hindi 'yon ang rason ko kung bakit hindi ako sumasabay, o nakikisabay sa social media. Ayaw ko lang ng atensyon lalo na sa karamihan. Social media is quite unnerving, alam ko namang may tinatago at pinagtatakpan akong records, kahit na tapos na at natuldukan na.
Hindi siya nakatanggap ng sagot sa akin.
"Sinaunang tao," bulong niya na hindi nakatakas sa pandinig ko.
"Ano?" tanong ko.
"Wala, ang sabi ko, maraming iba dyan. Isa pa, kung totohanang salita, hindi na ikaw ang magkukumahog na maghanap. Ikaw nalang ang pipili kung sinong gugustohin mo." saad niya na parang binibigyan ako ng ideya at kinukunsinti. "As what I've said, maganda at pogi ka, kayang kaya mong manghablot ng panty at brief sa isang titigan lang."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Ni hindi ko iniisip ang mga ganoong bagay.
"Marami pang iba, Phil. Okay? Maraming iba. Alam mo dapat ang kasabihan na, maraming isda sa dagat."
"Alam ko, Maw." But it's still early to give up just yet, I should hold on a little longer.
"Marami nga, pero saan ka ba makakatagpo ng lalaking binigay na sa'yo ang lahat kahit walang wala ka,"
"Minahal niya ako, Mawi. Mahal niya ako. It's so difficult... so difficult to let go when I know that nothing else can compare to the love he once had for me."
"Paano mo nasasabing wala ng tutumbas sa binigay niya sa'yo? Siya pa lang naman ang lalaking minahal mo at minahal ka,"
"Paano ko nasasabi? Ang pinaka-unang nanakit na lalaki sa akin ay ang ama ko, Mawi. The first man who loved me was Syllvester."
"Noon 'yun," may katigasan niyang wika.
I shifted my gaze outside. Parang sinampal lang ako sa sinabi niya na. Noon nga.
She cleared her throat before speaking again. "You know, I understand that you couldn't tell him right away. Baka ang mga anak niyo na mismo pagbuntunan niya rin sa galit sa'yo." Iniba niya ang usapan. And she's right. Tama naman si Mawi at isa 'yon sa posibilidad na kinatatakutan ko.
"I'll just wait for his anger towards me to subside... And if it ever does." I uttered. And I doubt kung mapapatawad niya pa ako.
"Paano kung hindi na?" habol niyang tanong, hindi ko na muna siya nilingon.
"Paano kung pwede pa?" I stood my ground.
She gave me a puzzled expression on her face, as if she couldn't believe my answer.
BINABASA MO ANG
Ineffable Menace of Love (PDA Series #1)
RomanceStarted: June 1, 2023 Ended: Oct 13, 2023 Season 1 and 2 *** The man named Syllvester Alejandro Mc Chiavellan III is a well-known figure. He grew up in a wealthy family with significant connections in the underground economy. One fateful night, thei...