When Emman and I have already decided to take the ride, naupo na kami agad sa loob.
Just right after I sat, I unconsciously looked at the handkerchief in my hand which he handed me awhile ago para sana ipiring sa mata ko.
Ilang minuto ko itong pinag masdan dahil pamilyar ang hitsura nito, bago tuluyang nanlaki ang mata ko matapos kong ma-realize na—
"Omg! Is this— is this—"
Tanging sunod sunod na pag tango lang ang isinagot sakin ni Emman habang naka ngiti. Hindi ko alam pero awtomatikong umakyat ang lahat ng dugo ko sa pisngi dahil sa kilig.
"Next!" Ani kuyang nag a-assist rito sa ferris wheel.
Sa sobrang haba nga ng ipinila ko rito ay inabot na kami ng dilim. Si Marco at Murphy naman ay panay ang send sakin ng mga sinasakyan nilang mga rides. Na iinggit ako sakanila sa totoo lang, dahil ang rami nilang nasakyan na rides at mukang enjoy na enjoy pa sila. Habang ako ay inabot na ng siyam siyam rito sa pila.
Pero syempre, ipag papalit ko ba naman ang pagkakataong ito na makakasama ko si Emman ng matagal? Syempre hindi.
At kahit kinakabayan ay excited naman akong sumampa sa capsule ferris wheel. Naka upo na roon si Emman at naka titig lang sa bintana sa labas.
Kulob kasi ang capsul ferris wheel na ito. Pero ang buong ceiling ay made of glass kaya kitang kita rin ang labas.
Finally! Makakatabi ko na rin si Emman sa wakas!
Nang tuluyan akong maka upo sa tabi ni Emman ay isinara na ni kuyang staff ang pintuan.
Emman wasn't even looking at me, or at least aware of my presence. We were few meters apart but we're sitting on the same side.
Nahigit ko ang aking hininga nang marahang gumalaw ang ferris wheel.
Napa dasal ako ng wala sa oras at napa kapit sa railings. Mabuti na lamang at napaka bagal ng pag galaw ng ferris wheel dahil napaka laki nito at pinupuno pa ang bawat capsule.
Tinitigan ko si Emman. Gusto ko siyang kausapin. Gustong gusto.
Ang kaso, mag mula pa kaninang umaga nitong field trip namin ay wala na siyang kibo. Seryoso ang hitsura niya at parang malalim ang iniisip.
Emman is really an introvert, I can say that. Pero not in a way that he is socially awkward. Usually naman ay madalas parin siyang makipag biruan sa mga barkada niya. Pero ngayong araw ay ni hindi man lang siya sumama sa mga ito at mag isa lang siya.
Ang unang stop ng field trip namin ay sa museum, pinag mamasdan ko lang siya at sakaniya lang naka tuon ang atensyon ko.
Tinititigan niya lang ang mga paintings at pagkatapos ay aalis na. Hindi ko man lang siya narinig na nag salita buong araw.
Kinakabahan ako, bukod sa naka sakay ako sa ferris wheel ngayon, ay gusto ko talagang kausapin si Emman.
What if mag tapat na kaya ako sakaniya in person? At sabihin ko sakaniyang crush na crush ko siya?
Kinilig naman ako sa mga naisip kong possibilities ng aminan moments naming dalawa.
"Uh—" akmang mag sasalita pa lamang ako nang maka rinig ako ng mahinang pag hikbi.
Agad akong napa lingon sakaniya.
What the...
Pagka baling ko kay Emman ay nakita kong nag pupunas siya ng pisngi. T-teka, umiiyak ba siya? Pero bakit naman siya iiyak?
BINABASA MO ANG
Bukas Hindi Na Ikaw
Teen FictionAria knows exactly what it's like to fall in love, thus, she knew that being trapped in this unrequited love wouldn't be easy for a true-blue heart. All the bridges she had to burn, through the depths of the sea she had wandered, and the narrower h...