Chapter 17

91 10 1
                                    

"Mind if I ask where are we heading to?" I asked him. Wala naman kasi siyang sinasabi kung saan ba kami pupunta. "Are we going to a restaurant? Hotel? Or anything I should know?" Kunot noo'ng tanong ko habang tuloy pa'rin siya sa pag mamaneho ng sasakyan. Pero dahil nga busy siya, hindi niya ako sinagot.

Kita mo 'to! Pagkatapos kong pasayahin dededmahin ako?!

"Hey, I wanna know! Where are we going? It's already midnight. Atsaka, mag da-dine in ba tayo or take out na lang?" Pangungulit ko pa.

I heard him sigh. Okay fine. I'm the naughtiest among all. But what can I do? I just wanna throw a conversation with him. And besides, I really wanna know where are we heading to.

Nag text ako kanina kay mama at ang sabi ko ay pauwi na ako. Hindi ko naman alam na bigla akong aayain ni Emman kumain sa labas.

"I don't like eating cold ramen." He responded shortly.

Nangalumbaba na lang ako sa bintana. Ang tipid niya kasi sumagot.

So does the meaning of 'I don't eat cold ramen' was dine in? I sighed. Well, I guess so.

"Malayo pa ba tayo?" Hindi naman sa naiinip na ako. Sadyang giniginaw na kasi ako at kanina pa talaga ako nag pipigil ng ihi dahil sa lakas ng aircon niya.

I rub my shoulder blades down to my arm. Ang lamig talaga!

"Bakit?" Ramdam kong gumalaw ang kamay niya at hininaan niya pa ang aircon. Hays, mabuti naman.

Napa deretso ako ng upo habang nasa labas pa'rin ang paningin.

"Na wi-wee wee na 'ko." I almost whispered. Nakakahiya eh.

Kanina pa kami sa daan, at talagang ihing ihi na 'ko! Ang sabi niya sa'kin ay around the area lang ang pupuntahan namin, eh parang pa-bicol na kami eh! Charot.

"Na wee wee what?" Natawa ako sa accent niya, parang fil-kin lang.

Feeling Akin. Charot.

"What kind of language is that? Are you baby talking me?" Hindi ko man siya lingunin ay nakatitiyak akong naka kunot ang noo niya habang sinasabi 'iyon. Natawa na lang ako.

Gusto ko sanang sabihin ay 'No, I'm not baby talking you, but you are my baby.' Pero hindi ko na lang tinuloy. Baka batukan na niya ako sa kakulitan ko eh.

"Wala. Sabi ko I need to pee." Napahimas akong muli sa braso ko bago humalukipkip. Ang lamig pa'rin talaga ng aircon sa sasakyan niya kahit hininaan na niya 'iyon.

"Hold on, malapit na tayo sa view deck." Diretsong tugon niya bago umayos ng upo at nag focus nang muli sa pag da-drive.

Doon ako natigilan. Sa view deck kami pupunta?!

Bigla kong nahigit ang hininga ko at napariin ang hawak ko sa braso ko.

Ewan ko pero parang may kung anong mahika sa sinabi niya na siyang nagpa urong sa ihi ko. At talagang literal na umurong yung ihi ko. Jusmiyo!

Ilang ulit akong napasinghap. As much as I didn't want to gave him a peek, I just couldn't help but to glance at him. Hindi makapaniwala ko siyang pinag masdan.

"S-sa night market tayo pupunta? Seryoso?" Kumakabog pa 'rin ang dibdib na tanong ko.

He simply nodded his head.

"Sa night market tayo kakain?" I asked again.

"Yes, sa night market tayo kakain." Nauubusan ng pasensyang sabi niya. Halatang nakukulitan na sa'kin.

Bukas Hindi Na IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon