"Anong book ba ang hinahanap mo?" Tanong ko kay Emman. Nandito na kami ngayon sa bookstore sa loob ng pavillon, kanina pa rin siya nag hahalungkat ng mga libro pero hindi parin niya mahanap yung gusto niya, nahihilo na 'ko.
Ayaw naman niyang sabihin sa'kin kung anong libro ang hinahanap niya, para sana matulungan ko na siya sa pag hahanap.
Hays, ayaw rin niya ako kausapin, konti na lang iisipin ko ng LQ kami.
Napanguso na lang ako ng hindi niya ako muling pansinin. Para lang akong bata na naka sunod sa likuran niya.
"Omg! Siya ba yung cute na Arki student na nakasalubong natin last time?" Bigla akong napa baling sa dalawang babaeng nag bubulungan sa likod namin. Mukang kinikilig pa ang dalawa. Sinamaan ko sila ng tingin kahit na nakay Emman naman ang paningin nila. Hoy! Tingin pa! Akin yan!
"Ahm, babe?-- ay charot." Hindi ko natuloy ang binabalak kong pag lalandi kay Emman ng biglang tumalim ang mga tingin niya sakin. Joke lang naman eh! Pag seselosin ko lang naman sana yung mga babae, kaso wala siyang pakikisama. Hmp!
Napa yuko ako at hindi na pinansin yung dalawang bruhang babae kahit gusto ko silang jombagin. Charot lang. Pero...
Ano laban na lang ng mortal kombat?! Gusto ko silang ayain. Durog sakin tong mga 'to.
Lihim ko na lang silang inirapan ng bumalik na si Emman sa pag hahanap ng libro, feeling girlfriend ka ghorl?! Umalis na rin naman yung dalawang babae.
Dahil medyo na bobore na ako sa sobrang tagal niya mag hanap, humiwalay muna ako at hindi na nag paalam. Maliit lang naman ang bookstore, hindi naman ako mahihirapang hanapin siya.
Dumiretso ako agad sa book sale, at tinungo ang shelves. Halos lahat ng nasa section na ito ay puro may kalumaan na ang libro, pero mas gusto ko nga ang amoy ng lumang libro eh. Mga second hand na rin ang nandidito.
Agad akong nag tingin doon, karamihan sa mga 'yon ay puro novel ni Nora Roberts, I like her works so much, pero iba ang hinahanap ng mata ko ngayon. Sakto naman ay nahagip ng mata ko ang volume 1 ng The principles of psychology ni William James. Yey!
Gusto ko 'yong bilihin. Ang taas nga lang ng kinalalagyan, hindi ko maabot. Tsk!
Akmang tutungtong ako sa shelf ng biglang may lumapat na kung anong matigas na bagay sa likuran ko. Napa lingon tuloy ako bigla at napaatras ako ng mapag tanto ko kung gaano ako kalapit sa dibdib nitong lalake na sa harap ko ngayon. Nag angat ako ng tingin at pinag masdan siya.
"Ah, kuya? parang ang lapit mo masyado. Parang lang naman." He looked down and turn his gaze at me. I saw how a smile formed in his lips before he moved a little backwards, he's already holding the book I was about to pick awhile ago.
"Here." Inilahad niya sakin ang kamay niya at inabot iyon. He was smiling from ear to ear, his eyes were chinky. Chinito siya, gwapo oo. Hindi malabong magka crush ako sakaniya kung hindi lang nag eexist si Emman.
Pero on the other hand, hindi rin pala. Kapag kasi napangasawa ko siya at nagka anak kami baka wala ng mata ang maging anak namin dahil pareho kaming singkit. Lol! Asawa agad?
"Ahm, thank you--"
"Bakit ba bigla ka na lang nawawala?" Napalunok ako ng mahimigan ko ang galit na boses ni Emman. Tsk, eh ikaw? bakit lagi kang galit?!
Bumaling ako sakaniya at wala namang emosyon ang hitsura niya pero alam kong galit siya. May hawak na rin siyang libro at sketch pad sa magkabila niyang kamay. Napa lunok ako.
Bumaling akong muli sa lalakeng kaharap ko. "Ah, sige ah? salamat ulit!" Nginitian ko lang siya at ganon rin naman siya sa akin. Nilagpasan ko na siya at sumunod na kay Emman. Madaling madali sis?!
BINABASA MO ANG
Bukas Hindi Na Ikaw
Teen FictionAria knows exactly what it's like to fall in love, thus, she knew that being trapped in this unrequited love wouldn't be easy for a true-blue heart. All the bridges she had to burn, through the depths of the sea she had wandered, and the narrower h...