"Why are you rushing me? Hindi pa nga sabi ako sigurado eh. Tsk! Mamaya ko na lang ibibigay ang number nung sa'kin at hindi naman yan minamadali ni coach."
"Baka kasi hindi na kita mahagilap bukas kaya ngayon mo na sabihin Emman, ibibigay ko na kay coach yung listahan ng Jersey number natin bukas ng hapon eh."
"Bukas pa pala ng hapon eh, may training pa naman tayo non. Bakit ka ba atat na atat?"
"Number twelve nalang man! Number twelve naman ang jersey number mo before, diba? Nakita ko picture mo sa IG eh. Yun na lang ulit gamitin mo."
Habang nag lalakad papasok ng gym ay rinig na rinig ko na ang mga usapan nila. Kita kong naka talikod si Emman sa direksyon ko habang naka pameywang, naka upo naman sa bench ang mga ka-team niya.
"No, I'm not using number twelve, shut your d*mn mouth Elizaga." Rinig kong sabi ni Emman kay Patrick na siyang ikinatawa nila. Bumaling si Emman sa lalaki na nakaupo sa bandang kaliwa niya bago nagpatuloy. "I'll wait for Aria's suggestion. She'll be the one to decide which number I must pick, kaya siya ang tanungin mo at huwag mo na 'kong kulitin."
Saktong natigilan ako sa aking narinig noong marating ko na ang pwesto nila.
"T*ngina boy! Galvez lang malakas!" narinig ko ang tawanan nila. "Yung Aria yung Psych student diba? Jowa mo na ba man?—"
"No."
"Weh? Hindi ako naniniwala."
"Denial amp*ta!"
Sandali pa silang nag asaran at medyo nakaramdam ako ng hiya dahil obviously, ako ang pinag uusapan nila.
Natigil sila sa tawanan nang lapitan ko si Emman. Natahimik ang mga ka-team niya at maging siya ay nagulat.
"Hi Aria!" masiglang bati sa'kin ni Patrick kaya agad ko siyang nginitian at kinawayan.
"Hi." Tugon ko.
"Bat ka nandito? Miss mo na si Emman?" binigyan niya ako ng nakakalokong ngisi.
"Sobra." Pabirong sagot ko, agad silang nag ingay.
Napapahiyaw ang ilan sa'kanila at nag hahampas pa ng plastic empty bottle sa sahig. May mga naririnig pa akong alulong ng aso na sila lang rin ang may kagagawan. Parang mga baliw.
Natawa ako nang makita ko kung gaano sila kagulo, hindi ko alam kung ganito ba kiligin ang mga lalaki o talagang inaasar lang nila si Emman.
Nang bumaling ako kay Emman ay kitang kita ko ang pag pipigil niyang huwag ngumiti, tuloy ay pulang pula na ang pisngi niya. Cute.
Nang mapansin niyang pinag mamasdan ko siya ay agad siyang umiwas ng tingin at biglang sumeryoso ang mukha.
"Manahimik nga kayo." Suway niya sa mga ka-team niya ngunit wala rin siyang nagawa noong bigla siyang dambahan ng mga ito at muling asarin. Napapa iling na lang tuloy siya at hindi na napigilan ang mapangiti.
I gave them enough time to do their bro-thing before I borrowed Emmanuel for a bit. Dinala ko siya sa pwesto malapit sa upper deck, medyo malayo sa kinaroroonan ng magugulo niyang teammates.
"Ahm, are you gonna pick me up?" he stopped and sat on the bench while I remain standing in front of him. "I have my car with me, so I think I won't be able to accompany you today."
BINABASA MO ANG
Bukas Hindi Na Ikaw
Teen FictionAria knows exactly what it's like to fall in love, thus, she knew that being trapped in this unrequited love wouldn't be easy for a true-blue heart. All the bridges she had to burn, through the depths of the sea she had wandered, and the narrower h...