"Maniwala ka sa 'kin Aria, nag selos yon kaya hindi ka pinansin!" ani Dos bago ito sumubo ng fishball.
Nandito kami ngayon sa tapat ng University, kumakain ng street foods. Lunch time na at dito niya ako dinala.
Napa buntong hininga ako. Si Emman ang tinutukoy niya. Naikwento ko kasi sa 'kaniya na hindi na ako kinausap pa ni Emman magmula 'nong umalis siya kanina.
I tried approaching Emman several times, but I receive no response. Tanging si Timo lang ang kumakausap sa 'kin. And I guess we're back to normal.
Hindi nanaman niya ako kakausapin kapag nasa University kami. Sabi ko na nga ba't hindi siya seryoso sa mga sinabi niya noong gabing 'yon.
"Anong nag seselos pinag sasasabi mo diyan? Wala sa bukabularyo ng isang Emmanuel Galvez ang mag selos! Lalo na sa isang katulad ko. Sino ba naman ako?"
"Ma'am eto na po palamig niyo." Inabot sa 'kin ni kuyang nag bebenta ang inumin ko. Agad ko 'iyong kinuha at ininom.
Umisang lagok lang ako.
"Nag selos yon, iba makatingin eh! Mukang may galit sa 'kin eh." Nag punas siya ng bibig at nag tuhog ng panibagong kakainin.
"Ni hindi ka nga magawang tingnan kanina, pano mo nasabing galit sa'yo!" Natawa ako. "Mas kilala ko 'yon kesa sa'yo, okay? Hindi yon nag selos. Na hurt lang siguro ang pride. Six years na kong loyal sa 'kaniya, ngayon lang ako nag taksil. Well, hindi pala counted 'yon as pagtataksil dahil wala namang katotohanan ang pinag sasabi mo kanina."
Gaya niya ay kumuha ako ng panibagong stick at tumuhog ng limang kwek kwek bago 'iyon isinawsaw sa sauce.
"Alam mo ikaw? Ewan ko sa'yo! Kung may ranggo lang mga manhid? Baka Lieutenant General ka na." And there goes his logic again. " Atsaka teka nga, bakit ka ba kasi tumanggi sa offer niya? Chance mo na 'yon oh!"
Napa arko ang kilay ko.
"Sira pala ulo mo eh! Hindi naman ako selfish para pumayag na maging girlfriend niya dahil lang nakonsensya siya sa pananakit na ginawa niya sa 'kin noon, na in the first place ay kasalanan ko rin naman."
Pinameywangan niya ako at sinenyasan ako na huwag munang mag salita. Ngumunguya pa kasi siya ng kikiam. Uminom siya ng palamig bago ako hinarap.
"Gusto lang makipag friends sa'yo nung tao, dahil alam niyang nasaktan niya ang damdamin mo. And to inform you, friendship is way different to a relationship. Obviously, friendship ang inoffer niya sa'yo, hindi relasyon! Huwag ka ngang advance mag isip! Feeling nito! Girlfriend agad?" napa isip naman ako sa sinabi niya.
"Saan ba nag sisimula ang relasyon? Diba sa pagiging magkaibigan?" I crossed my arms and rolled my eyes.
"Oh sige, ipagpalagay na nating ganon. Pero diba? 'yon naman ang gusto mo? Ang maging boyfriend ang lalaking 'yon?"
Nasapo ko na lang ang noo ko. Hindi niya talaga ako ma-intindihan.
"Mahal ko si Emman, okay?" I muttered. He just simply nodded his head and continue eyeing me. "At gusto ko siyang maging boyfriend... pero hindi sa ganitong paraan. Nakokonsensya lang naman siya dahil sa nasaktan niya ako kaya niya gusto makipag close sa akin, o mas mapalapit pa sa 'kin lalo. Pero kung hindi ko sinabi sa 'kaniya ang tungkol sa mga pinagdaanan ko, he wouldn't do such thing as befriending me. We're not close, neither do friends, okay?... it's unrequited love. And I think it should remain that way."
Hindi siya umimik. Mukang pinag iisipan ang mga sinabi ko.
"I will remain his lover, and he will remain as someone I truly admire. That's our stand in each other's life, nothing more. I love him so much, and I will never force him to be in a relationship with me even if I'm dying for it, because a way into a healthy relationship is putting love as its major foundation, which was that's the kind of relationship I want with him. And we both know that it will never work for us if he doesn't love me the way I love him. Mahal ko siya, pero hindi ko siya pipiliting maging akin, kung alam kong hindi naman siya magiging masaya." Bigla siyang nanahimik.
BINABASA MO ANG
Bukas Hindi Na Ikaw
Teen FictionAria knows exactly what it's like to fall in love, thus, she knew that being trapped in this unrequited love wouldn't be easy for a true-blue heart. All the bridges she had to burn, through the depths of the sea she had wandered, and the narrower h...