Pagkapasok na pagkapsok ko sa bar ay agad na bumungad sa'kin ang mga nag kikislapang ilaw na may iba't ibang kulay, dito sa loob. Dumadagundong rin ang napaka lakas na tugtugan, unaalingaw 'yon sa buong silid. Habang pinag halong usok ng yosi at vape naman ang agad na nalanghap ko.
Habang nag lalakad papasok ay napapa ubo kong hinahawi palayo ang mga usok na dumadapo sa aking balat. Nag takip na lang rin ako ng ilong para hindi ko na 'yon malanghap pa.
Halos malula ako sa dami ng tao ngayong araw. Kapag talaga byernes ay napaka raming nag pupunta rito, kadalasan ay mga estudyante rin gaya namin.
Agad na natanaw ng mata ko ang table na kinaroroonan nila Marco. Napansin kong may mga iba pa silang kasama na hindi ko naman mga kilala. Karamihan sa mga 'yon ay lalaki.
Hindi na ako nag taka, kada naman mag iinom sila ay may mga iniimbitahan sila na mga hindi ko naman kakilala. Okay lang naman sa'kin, mababait naman sila.
Naisipan kong pumunta na roon, ngunit hindi ko pa man muling nai-hahakbang ang mga paa ko ay may humarang na lang bigla sa aking daraanan.
"Hi, beer? vodka or margarita?" A guy wearing a tactical gray shirt approached me before I could make it to the table. I immediately shook my head.
Napa bunting hininga ako bago ko siya pilit na nginitian.
"No thank you." Saka ko iniwinasiwas ang kamay ko.
Sanay na akong palaging may nag aalok sa'kin ng alak rito sa bar, pero hindi talaga ako umiinom ng alak kaya tumatanggi lang ako parati.
Nilampasan ko na ang lalaki at hindi na ito hinintay pang makasagot bago ako tuluyang dumiretso sa pwesto nila Marco.
Agad naman niya akong sinalubong.
"Ang tagal mo, may papakilala ako sa'yo..." Hindi pa man ako nakakapag salita ay hinila na ako agad ni Marco sa kung saan. Huminto kami sa tapat ng isang mestisong lalake, kakulay ng balat ni Emman. "Josh, this is Aria, single 'to-"
"Ahh no no no." I laughed awkwardly as I pinched Marco's waist. Siraulo talaga 'to, binubugaw nanaman ako! "She's just kidding, may anak na ko actually." Inilahad ko ang kamay kong may singsing, bigay pa 'yon ng lola ko sa'kin. "3 years, happily married." I said and smiled awkwardly.
I waved at the guy who's now laughing at us as I drag Marco away from him. Nakakahiya!
"Siraulo ka talaga!" Halos masabunutan ko siya ng makabalik kami sa table. Tinawanan niya lang ako.
"Concerned lang ako. Baka kasi mamatay ka nang virgin."
"Ay wow. Thoughtful na pokpok? Rare ah." I gave her a fake smile. Natawa lang siya.
"Hayop ka, thoughtful ako pero di ako pokpok. Baka lang kasi matuyot ka na kaka-antay kay Emman, concerned lang ako." Pang iinis niya pa. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Mga mare, excuse me, Sylv is here na. Balik na lang ako later." Paalam sa'min ni Murphy bago siya nag beso sa'min ni Marco.
"Enjoy! Magpakipot ka muna ng konti bago mo sunggaban ah!" Mapanuksong sabi pa ni Marco rito.
Naiiling lang si Murphy habang tinatahak nito ang daan palabas. Natawa na lang kami.
Ilang sandali pa ay nakihalubilo na rin kami ni Marco sa mga kasama namin. We played beer pong, flip cup and drunk jenga.
Kasali ako sa game, pero si Marco ang umiinom ng alak ko kapag natatalo ako. Nawiwirduhan nga ang mga kasama namin sa'kin, hindi sila makapaniwalang hindi ako umiinom ng alak.
BINABASA MO ANG
Bukas Hindi Na Ikaw
Teen FictionAria knows exactly what it's like to fall in love, thus, she knew that being trapped in this unrequited love wouldn't be easy for a true-blue heart. All the bridges she had to burn, through the depths of the sea she had wandered, and the narrower h...