Chapter 25

117 9 14
                                    

Hanggang ngayon ay sariwang sariwa pa 'rin sa isip ko ang mga napag usapan namin ni Emman noong araw na 'yon. At hanggang ngayon ay para pa'rin akong nasa alapaap.

Lumipas ang ilang araw at ganoon pa 'rin naman. Abala pa 'rin si Emman sa pag eensayo kaya dinadalahan ko na lang siya palagi ng pagkain sa gym.

And as usual, I always spend my lunch time with Dos. We always have a good time talking about certain things that catches our interests. At habang tumatagal ay mas napapalapit na ang loob ko kay Dos dahil mas nakikilala ko na siya. He's not just a charming jerk I used to know, he's much more than that, and I'm liking him as a friend even more because of it.

He's really a good friend, ain't gonna lie about that.

At katulad nga nitong mga nakaraang araw, ay early dismissal nanaman kami kaya 4pm pa lang ay tapos na ang klase ko.

I was smiling on my way to the parking, because of the excitement I feel just by the thought of playing video games all night long when I get home, because obviously, I have nothing else to do anymore.

I was happily walking down the road when I almost felt my feet stiffened, the moment I saw Emmanuel waiting for me in front of my car. I abruptly put my hand above my chest because of the sight of him.

Agad akong napalunok at di kalaunan ay napangiti. Kinawayan ko siya mula sa malayo, kahit pa medyo nagulat ako sa prisensya niya. Wala naman kasi kaming usapan na sasabay siya sa akin ngayon kaya ako nabigla.

Agad ko siyang nilapitan at sinalubong niya ako ng ngiti. He's wearing his jersey right now, and I swear, he looks very alluring with his jersey on. Well, kahit ano naman atang isuot niya ay napaka gwapo niya pa 'rin sa paningin ko.

"Hi." I greeted him.

"Hello." He retorted, then messed with my hair. I felt my cheeks burned up because of that simple gesture.

Nag pipigil ako ng kilig nang ayusin ko ang nagulo kong buhok.

"Hindi ka pa nakakabili ng sasakyan kaya mo 'ko iniintay no?" nagpakawala ako ng tawa. "Need a lift?" I said and winked at him.

Tumaas ang sulok ng labi niya saka ako tinanguan.

"Yes, but... can I drive?" he said in a low voice.

Okay. I wasn't expecting that.

I can feel that my face showed up a confused look right now, but I ended up nodding my head for some reason.

"Y-yeah, sure." Tugon ko at kahit nag aalangan ay iniabot ko na rin sa'kaniya ang susi ng kotse ko at nag tungo na sa passenger seat.

"May gagawin ka ba ngayon?" tanong niya habang abala sa pag mamaneho.

"Hmm, well, may assignment akong essay, pero madali lang naman 'yon kasi max of 5k words lang naman siya kaya hindi ako nape-pressure. Why?"

He tightened his grip on the steering wheel. "Would you like to come over?"

"What do you mean?"

"Sa penthouse ko." Tugon niya na siyang ikinabigla ko.

Like o..m..g. This is the second time he invited me to come over in his place. Bakit ako kinikilig?

"S-sure ka? Pero ano naman gagawin natin don?... I mean, not that I'm thinking na may gagawin tayong kakaiba or what, pero kasi ano, ahm, wala naman, nag tatanong lang ako pero wala akong ibang pakahulugan sa 'gagawin' ha? Baka isipin mo andumi ng isip ko, like iniisip kong mag kikiss kiss ganon... o-oh my god I didn't mean to say that! Jeez, what the hell am I saying?!" napa sapo na lang ako sa sariling noo dahil sa labis na pagkapahiya.

Bukas Hindi Na IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon