Agad kong inaya sila Murphy mag mall matapos kong mag sulat, para makapag unwind naman ako.
Minsan nga ay nakukunsensya na ako, kapag kasi kailangan ko sila ay palagi silang on-the-go, pero kapag inaaya nila ako sa mga lakad nila ay hindi ako gumagawa ng paraan para makasama. I feel bad.
Nag cut-class rin si Murphy at si Ralph kanina. Ang bad influence ko sa part na 'yon pero on the other hand, hindi ko naman nga pala sila pinilit, ginusto rin nila yon, kaya ligtas ang konsensya ko, joke.
Si Marco ay hindi nakasama samin dahil may training sila ng volley ball, high school pa lang ay varsity na si Marco kaya hindi na kami nag taka na nag try out pala siya ulit para mag varsity ngayong college.
Kumain lang naman kami sa buffet, nag stress eating ako at nanood rin kami ng sine.
Hindi ko na binanggit sa'kanila ang engkwentro namin kanina ni Emman, tiyak kasing aasarin lang nila ako. At isa pa, hindi ko naman na 'yon para ikwento pa sakanila, sadiyang nalungkot lang ako kanina at kinailangan ko ng makakapag pasaya sakin... At sila 'yon.
"Good morning ma'am Ari, ganda ka?" Bati sa akin ni Tesa, kasambahay naming attitude. Nasa kitchen ako ngayon at siya ang sumalubong sa'kin.
"Lintek ka? pagkakauwi mo ganiyan ang ibubungad mo sa'kin?" Hinila ko ng bahagya ang laylayan ng buhok niya, agad naman niyang hinawi ang kamay ko at natawa.
"Ang sarap pala mag bakasyon ma'am, baka pwedeng next month ulit?" Hirit pa niya sa'kin. Napa irap na lang ako at naupo na sa silya. As usual wala nanaman sila mom at dad.
"Napapasarap ka naman atang demonyo ka? Ikaw lang ang kilala kong kasambahay na buwan buwan humihingi ng vacation leave, sagot pa namin pocket money mo?! Aba Tesa, mag kape kape ka naman, hindi ka na kinakabahan sa mga sinasabi mo eh." Napa hagalpak siya ng tawa at nag hain na sa hapagkainan.
Medyo bata-bata pa si Tesa at mas matanda lang siya sakin ng limang taon. Pamangkin siya ni manang Lucy.
Magkasundo kami ni Tesa at para ko na rin siyang kapatid, hindi naman na siya iba saamin lalo na sa akin, kaya ganoon na lang ang closeness namin sa isa't isa. Halos sabay kasi kaming lumaki.
"Ay ang ka-gwapa pala sa batanes dili nimo giingon kana sa akon." Aniya. Napa irap na lang ako sa sinabi niya. Hindi ako marunong mag salita ng bisaya, pero dahil sakaniya, kahit papaano ay nakaka intindi na ako.
"Wag ka nga mag bisaya diyan, tsk! At paano ko naman sasabihin sa'yo? aber? eh ako nga mismong amo mo ay hindi pa nakakapunta ron." Tumingin siya sa akin at biglang natawa.
Nag simula na akong kumain, inaya ko na rin siya na sumabay na sa'kin, at ang gaga, walang patumangging pumayag, di man lang nagpakipot.
"Oo nga pala, eh nganong dili nimo gusto bang sumakay ng eroplano? ay napaka sarap kamong sumakay ng eroplano day." She looks amused while reminiscing her flight. Well at least, I am happy to know that she enjoyed her vacation.
"Sabi ng huwag mag bisaya eh! atsaka huwag mo nga akong ma inday inday lintek ka talaga! Pero yun nga, paulit ulit tayo Tesa? sinabi ng afraid of heights nga ang lola mo. Pasalamat ka nga sa'yo ko ibinibigay ang mga out of town vacation tickets ko, di ka nalang matuwa diyan."
Yes it's true, kung may isang bagay man akong kinatatakutan, yun ay ang maiwan sa ere. Char, pero ayun nga, takot ako sa kahit na anong matataas na lugar.
Kaya kahit gustuhin kong mag medical school abroad, alam kong imposible. Baka nasa byahe pa lang ay mamatay na ko.
Kay Tesa ko rin ibinibigay ang mga out of town vacation tickets ko, kadalasan sa mga 'yon ay regalo o bigay lang ng mga kaibigan ni mommy at ni dad.
BINABASA MO ANG
Bukas Hindi Na Ikaw
Teen FictionAria knows exactly what it's like to fall in love, thus, she knew that being trapped in this unrequited love wouldn't be easy for a true-blue heart. All the bridges she had to burn, through the depths of the sea she had wandered, and the narrower h...