"Nandiyan pa si Emman?" tanong ko sa lalaking kalalabas lang ng gym.
Naka suot siya ng kulay pulang jersey at may headband pa, nag di-dribble siya ng bola habang umiinom.
"Si Galvez?" he asked.
Tumango ako.
"Nasa loob, nasa loob pa." Tugon niya at nilampasan na ako, mukang may pupuntahan.
Pumasok na ako na sa loob ng gym at ang tunog ng mga nag kikiskisang sapatos mula sa sahig ang agad kong narinig. May roon ring pumipito at kita kong nag ja-jogging pa-ikot sa loob ng gym ang mga athlete.
Nag simula na kasi ang training sa Basketball noong isang araw, at sobra akong natutuwa dahil nakapasok si Emman sa basketball team noong nag try out siya. Though I never doubted him naman, I know he's really good at it.
Dumiretso ako sa upper deck at naupo sa bench habang pinanonood ko sila. Wala gaanong tao rito sa loob ng gym at tanging ang basketball team lang at mangilan ngilan na estudyante.
Napagawi ang mata ko kay Emman. Tulad noong lalaking naka salubong ko kanina, ay naka kulay itim na headband rin siya, habang pula ang jersey at kulay itim naman ang suot na knee pads.
Hindi naman niya ako napansin at patuloy lang sa pag takbo. Inilapag ko muna saglit sa katabing upuan ko ang bag ko at ang bitbit kong bento box para kay Emman.
Pumito ang coach at nag salita kaya nabalik roon ang atensyon ko.
Napansin ko na nandodoon rin pala si Patrick at si Timothèe.
"Three more rounds before break!" sigaw ng coach.
Rinig ko naman ang pag ungot ng mga kagrupo ni Emman dahil sa sinabi ng coach. Mukhang pagod na pagod na kasi sila.
Napangalumbaba ako habang pinag mamasdan si Emman, mukang hinihingal na rin siya pero tuloy pa 'rin sa pag takbo.
Humigpit ang kapit ko sa hawak kong bottled water noong biglang mag salubong ang mata naming dalawa. Hindi niya ako inimik o nginitian man lang, mukhang pagod na talaga siya.
After three rounds, the coach blew the whistle and gave them a thirty minutes break.
At para bang awtomatikong nagsi upo na lamang basta sa sahig ang buong grupo nila dahil sa matinding pagod.
Yung iba nga ay nag hubad pa ng pang itaas at yung iba naman ay nahiga na sa gitna ng gym habang hinahabol ang hininga.
Nag paalam saglit ang coach at sinabihan sila na dapat pag balik nito ay tapos na silang kumain.
Dumakong muli sa'kin ang paningin ni Emman kaya agad kong kinuha ang bento box sa tabi ko at ipinakita 'iyon sa'kaniya saka ko siya nginitian, dahilan para siya tumayo sa pagkakaupo mula sa sahig at naglakad papunta sa direksyon ko.
He climbed the railings smoothly, as if it wasn't a hindrance at all. He walk straight in my direction with his hand on his waist and sat beside me.
I was watching his every move as he carefully grab the bento box in my hand and began eating the beef broccoli I prepared for him this morning.
He was busy eating, not minding my presence at all. I let out a soft laugh as I watch him eat heartily.
Napabaling tuloy siya sa'kin at napahinto sa pagkain. May pagtatanong sa mga mata niya.
"It's for me right?" kunot noong tanong niya.
I smiled at him and nodded my head twice.
Nag kibit balikat lang siya at nagpatuloy sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Bukas Hindi Na Ikaw
Teen FictionAria knows exactly what it's like to fall in love, thus, she knew that being trapped in this unrequited love wouldn't be easy for a true-blue heart. All the bridges she had to burn, through the depths of the sea she had wandered, and the narrower h...