"Congratulations batch 20** graduates!" Bati saamin ng school principal bago ito tuluyang bumaba ng entablado.
Inalis ko sa ulo ko ang suot kong graduation cap bago ko iyon inihagis sa ere kasabay ng mga ka-batch mates ko.
Pinag masdan ko kung paanong sabay sabay na lumipad sa ere ang mga graduation cap namin. I smiled. Parang dati ay napapanood ko lang sa movie ang mga ganitong eksena.
Sinambot ko rin naman 'yon agad, di ko nga lang sure kung ayon ba yung sa akin o baka napalitan na ng graduation cap ng iba, nung binalik ko kase yun sa ulo ko ay ramdam kong lumaki yon at lumuwag.
Kinuha ko 'yon at inilapit sa ilong ko bago inamoy, halos maduwal duwal ako sa bagsik ng amoy nun. Punyeta hindi nga akin! Amoy demonyo!
Bat kasi kailangang may mga ganun ganun pa, tsk! Ako naman si tanga naki hagis rin.
"Guys! I can't believe it! After so many hardships, naka graduate rin!" Humawak sa braso ko si Marco, at nag inarte kunyare. Kaibigan kong matalik yan ever since I couldn't remember, okay naman kami. Minsan magkaibigan, but most of the time nag paplastikan, char! And yes, babae si Marco. May pechay siya, detachable pa.
Kidding aside, but her name Marco was short for Maria Consolacion. Yeah I know, it sounded old, that's why she never used it though.
"Kung talagang grabe ang bugso ng damdamin mo at hindi ka makapaniwala, pwede ka namang magpa iwan." Nilakasan ko ang pagkakasabi non dahil maingay ngayon sa loob ng auditorium.
"Ang O.A mo Marco, may college pa! Atsaka parang nung nakaraan lang, nagmamaka awa ka kay ma'am Regaspi na ipasa ka! Kung di nga lang dahil sa zesto na inambag ng nanay mo sa PTA meeting ay malamang sa malamang hindi ka makaka graduate!"
Hindi ko napigilan ang tumawa ng malakas dahil sa sinabi ni Murphy, kaibigan ko rin, medyo pasmado rin ang bibig.
Hindi ko tuloy maiwasang alalahanin ang ginawang pag dodonate ng zesto ng nanay ni Marco para sa PTA meeting, hindi kasi gumawa ng thesis si Marco kaya binigyan siya ng special project. Saved by the zesto ang gaga.
"Ang pangit niyo kaibiganin." Inirapan kami ni Marco at kinuha na sa upuan ang shinning simmering sling bag niya. Mukang gusto na agad sumibat ng bakla! ni wala pa nga kaming picture!
"Mga mare, baka naman gusto niyong mag picture muna? baka lang naman?" Sabi ko sakanila, at isinukbit na rin ang bag sa balikat ko.
"Gusto mo talaga mag picture tayo?" Tanong ni Marco sakin, tumango naman ako.
"Sure ka na diyan?" Pangungulit pa nito, at hindi na ko sumagot pa.
"Bahala ka, sige, ikaw rin naman. Matatabunan ka kapag nagpa picture ka samin." Ngumisi pa ito na parang demonyo at ganoon rin si Murphy.
"Siraulo!" Sagot ko.
"Aria please lang, kung gusto mong mag mukang maganda sa mga pictures. Pakiusap, wag mong ugaliing tumabi samin. Lalong umaangat ang ganda namin, lalo na ako." Inirapan ko na lang sila at tiningnan ang hitsura ko sa compact mirror.
"Marco tama na, ang arte inaayon rin yan sa ganda." Sabat ni Murphy na siyang ikinatawa na lang naming lahat. Ewan ko ba, hindi na ko sanay ng hindi pasmado ang mga bibig nila. Parang kapag walang lumabas na panlalait sa bibig ng mga ito ay matik na hindi sila 'yon.
"Kaya nga may karapatan akong mag inarte eh." Hindi napigilang kumento ni Marco bago kami tuluyang nag punta sa stage at nagpa picture na magkakasama.
Sinulit ko naman ang pagkakataon na libutin ng tingin ang auditorium, may hinahanap kasi ako.
"Ma! Nakita mo ba si Ralph? picture kaming apat!" Sigaw ni Marco sa mommy niya na kasama naman ang mommy ko, pinipicturan nila kami ngayon at kung todo pose naman ako.
BINABASA MO ANG
Bukas Hindi Na Ikaw
Teen FictionAria knows exactly what it's like to fall in love, thus, she knew that being trapped in this unrequited love wouldn't be easy for a true-blue heart. All the bridges she had to burn, through the depths of the sea she had wandered, and the narrower h...