Prologue

642 31 19
                                    

• To: My dearest Emmanuel, (You are my Every Morning And Night.) Allow me to end this love, right here, in this letter.

***

"Sa pag limot ng saya at tamis
ng kahapon,
Pag-ibig na pinag tibay ng panahon,
Sa isang iglap ay unti unting
Nagpatangay sa alon.

Kasabay ng pag usbong ng sugat
Na hindi na muling mag hihilom.

Ang pusong ginustong sumigaw
sa sakit,
Ay nanatiling tikom.

Dulot ng mga salitang tumatak sa isip,
Tumarak sa dibdib.

Alaala ng huling yakap mo't halik,
Mistulang kahapo'y hindi nag
dulot ng tamis,
Ngunit pait na siyang lilisanin
Sa mundong binuo ang ikaw at ako,

Ay mag wawakas sa isang ngiting
pilit na binabangon,
Pinasisigla,
Tanaw sa gitna ng ulan,
Sandata ay payong.

Ang pamilyar na tunog
ng 'iyong pag lisan,
Iniwan sa gitna ng laban,
Sugatan sa bawat pag kumpas
At pag ikot ng espada sa ating orasan,
Umaasang ikaw ay babalik,

Sa huling pag lubog ng buwan.

Ang pag-asang makita kang muli...
Ay hindi,
Hindi na muling matatanaw.

Sa pag sikat ng araw,

Ang aking pag bitaw,

Sa pangakong habang buhay ay ikaw,

Ang pangalan mong huling beses
kong isisigaw,

dahil bukas...

Bukas, hindi na ikaw."

All the love,
Aria Therese Dimaculangan.

Bukas Hindi Na IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon