Chapter 34

119 10 7
                                    

Ramdam ko ang pag hampas ng malimig na tubig dagat sa paanan ko habang prente akong naka upo sa dalampasigan. I was seating here for I think almost an hour now. Dumiretso na ako rito after matapos ng party nila dahil wala talaga ako sa mood na maki halubilo pa sa kung ano mang kasiyahan nila ngayon.

Nag pakawala ako ng buntong hininga bago isinubsob ang baba sa magkabila kong tuhod. My eyes are no longer crying, but my heart is still in so much pain. Hindi ko talaga inaasahang magkikita kami ni Emman ngayon kaya hindi ko 'yon napag handaan. Hindi ko ba alam kung bakit kailangan pang mag krus ang landas namin rito, well, all thanks to Marco. God.

I'm no longer surprised when I saw Primo, Patrick, Timothée and the whole squad of Roaring Jaguars awhile ago, dahil sinabi rin naman sa'kin ni Marco na siya mismo ang nag propose sa mga ito na sumabay na sa victory party nila.

She really knows how to piss the hell out of me. I just heaved a sight by the thought of it.

"Here..." Ramdam ko ang pag lapat ng isang makapal na tela sa balikat ko bago tumabi si Dos sa'kin.

"Aren't you cold? Kanina ka pa rito, binabantayan lang kita sa malayo pero mukhang wala kang balak na pumasok sa loob eh." Binuksan niya ang beer in can na hawak at ininom 'iyon saka ako inabutan ng chuckie.

Hindi ako nag salita at kinuha ko lang yun at saka ako sumimsim. Sandali kaming hindi nag imikan na dalawa at napatitig lang sa kawalan.

"Masakit ba talaga?" Basag niya sa katahimikan.

Ibinaling ko ang paningin ko sa'kaniya at awtomatikong kumurba ang ngiti sa mga labi ko nang makita ko kung gaano kaganda ang repleksyon ng buwan sa kaniyang mga mata.

"Mukha bang hindi masakit? Really?" Sarkastikong sabi ko saka itinuro ang sarili at tatawa tawa na lang na napa iling bago idinako ang mata pabalik sa karagatan.

"Hindi ko naman kasi maintindihan sa'yo kung bakit sa dinami rami ng lalaki sa mundo. Bakit dun ka pa nagkagusto sa lalaking hindi kayang suklian ang nararamdman mo."

I rolled my eyes. "What's the logic of love if we can easily get someone that we want? Lahat naman ng bagay pinag hihirapang makuha."

"Oo na sige na, lagi ka namang may sagot eh. Pero ito Aria, gusto ko lang malaman... Nag sisisi ka ba?" Itinuon niya ang magkabilang kamay sa likuran niya at sumandal roon saka malayang pinag masdan ang mga bituin. Inaalon pa ng hangin ang buhok niya. "Nag sisisi ka bang minahal mo siya?"

Sandali akong natahimik.

I pulled away the rubberband on my wrist as I began ponytailing my hair. Ang lakas na kasi ng hangin ngayon. "Nakakatawa mang isipin, pero hindi. There wasn't even a single day that I have ever I regret loving him, Dos. Ganon ako kabaliw." Nagpakawala ako ng mapaklang ngiti.

"Kahit gaano na kasakit, hindi ko pa'rin magawang hilingin sa Diyos na sana hindi ko na lang siya nakilala, kasi nung unang beses na nakita at nakilala ko siya? Dos, 'yun ang pinaka masayang araw ng buhay ko. Oo nag sisisi ako, pero hindi dahil sa hindi siya worth it na mahalin kundi dahil alam ko sa sarili ko na mali ako sa paraan kung paano ko siya minahal. Kinalimutan ko lahat Dos eh. Maraming beses sa napaka raming pagkakataon na mas pinili ko siya kaysa sa sarili ko. Sobra ko siyang minahal na ultimo ka liit-liitang pride na natitira sa'kin ay isinuko ko para sa'kaniya. Ilang beses akong tinawag na malandi, na desperada, na uhaw sa pag-ibig dahil lang minahal ko siya. Pero ininda ko yun lahat kasi sabi ko mas matimbang ang pagmamahal ko para kay Emman kaysa dignidad na mayroon ako." Kamuntik nang pumiyok ang boses ko.

Ramdam ko ang pag bigat ng hininga niya ngunit minabuti niyang huwag na lamang mag salita.

"Alam mo sa totoo lang? Mas masaya pa ako noon eh, noong mga panahong mahal ko lang siya, sa malayo, na tanggap ko kung ano lang ang posisyon ko sa buhay niya, na kahit kailan ay hindi niya ako mapapansin. Kasi sa paraang yun, hindi ako umaasa. Hindi ako umaasa na isang araw mamahalin niya rin ako. Hindi kagaya ngayon na siya mismo ang nag initiate ng lahat ng 'to. He wanted to give us a shot, at dahil 'don, nabuhayan ang loob ko. Kaso habang tumatagal parang umaasa na lang ako sa wala. Palaging salungat sa sinasabi niya ang ginagawa niya. He keeps on saying that he won't hurt me again, but he always end up breaking me even more. Sobrang naguguluhan na ako Dos, hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko. Ang hirap niyang mahalin." I pursed my lips before I looked at him.

Bukas Hindi Na IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon