Kinaumagahan ay naabutan na namin sila mommy at daddy sa dining table at nag uumagahan na. Kaya't sinabayan na rin namin silang kumain.
Maging si Tesa at si nanay Lucy ay nandito na rin. Kanina pa nga ako inaasar ng bruhang si Tesa at tinatanong ako kung nadiligan raw ba ako kagabi. Siraulo talaga.
Pero anyway, ewan ko ba, pero up until now ay hindi pa rin mapatid ang ngiti sa labi ko. Ang sarap sarap ng tulog ko kagabi eh.
Emman and I had waffles and bacon for breakfast at habang kumakain ay magkausap lang sila ni dad. Habang ako naman ay kinamusta ko rin si mommy sa lagay ni Tita.
Habang pinag mamasdan ko si Emman at si dad habang nag uusap, panaka naka silang nag tatawanan na dalawa. Hindi ko ma iwasan ang makaramdam ng tuwa sa dibdib ko. Parang dati lang ay hindi sila magkasundo ng daddy, pero heto sila ngayon at akala mo sila ang totoong mag ama.
Nakakatuwang isipin kung paanong unti unting pumabor ang lahat sa relasyon namin habang tumatagal. This is the biggest turn over I've ever had.
After breakfast, mom already went straight to bed, dahil na rin siguro sa sobrang pagod. Nag paalam na rin naman si Emman sa amin at akmang pauwi na siya nang tawagin siya ni dad.
I was about to go upstairs pabalik sa kwarto ko para sana mag laro ng PS5, when I heard dad. So hindi muna ako umakyat at palihim na pinakinggan ang usapan nila.
Ewan ko ha, but lately napansin kong bigla na lang talagang nag iba ang pakikitungo ni dad sa'kaniya. I mean yes, matagal naman nang civil si dad kay Emman at hindi na rin siya ganoong kagalit gaya dati. Pero nitong nakaraang linggo napansin kong may nag iba kay dad sa paraan ng pakikitungo niya kay Emman. It all started a few weeks ago when Emman asked dad to talk to him privately. I suppose doon sila sa office ni daddy nag usap. And then after nun, parang naging close na silang dalawa. Hindi ko rin talaga alam kung anong napag usapan nila dahil hindi naman yun sinabi ni Emman sakin. Aniya'y, usapang lalaki raw. Hays.
Nasa hamba ng pinto ngayon naka tayo si Emman, naka talikod siya sa'kin. Habang si dad naman ay kaharap niya, pero hindi ako nito nakikita dahil nga naka tago ako.
"Did you catch a good sleep?" Tanong ni dad sa'kaniya na nagpa kamot sa ulo ni Emman.
Ba't ba siya kinakabahan eh wala namang nangyari samin? Kaloka!
"Uhm, yeah, actually tito it was the best sleep I've had my whole life. Nakakatanggal po ng pagod ang anak niyo eh."
I bit my lip, trying my best not to flush, but I still sure did.
"That's good to hear." Rinig kong tugon ni dad. "By the way, bago ka umuwi, may gusto lang sana akong itanong sa'yo..."
Kita ko ang tensyon sa balikat ni Emman dahil sa sinabi ni dad.
"Sure po tito, a-ano po yun?"
It took a while before dad proceeded to what he was gonna say.
"Before anything else, I just wanna make it clear... I'm certain, that last night was a night you two would remember dearly. After all, it was your anniversary day. I just have one concern about it. Did Aria agreed with you last night?"
"P-po? Agreed with me po s-saan?" Rinig ko ang kaba sa tono ni Emman.
Gusto ko sana siya lapitan at ako na ang magpapaliwanag kay dad pero mukhang seryoso ang usapan nila eh.
"Emman, lalaki rin ako okay? Wala kang dapat itago o ikahiya sa'kin. Alam mo ba noong araw, nobya ko pa lang ang nanay ni Aria, ang tita Kate mo... hindi ko mabilang sa daliri kung ilang beses akong tangkang ayain siyang mag— alam mo na."
BINABASA MO ANG
Bukas Hindi Na Ikaw
Teen FictionAria knows exactly what it's like to fall in love, thus, she knew that being trapped in this unrequited love wouldn't be easy for a true-blue heart. All the bridges she had to burn, through the depths of the sea she had wandered, and the narrower h...