Prologue
Day 1: Sevelanio High
(Past)
“Shiloah Dominguez!”
Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng di pamilyar na tinig. Bumungad sa akin ang mukha ng isang lalaki na ngayon ko lamang nakita. Who is he anyway?
“How did you know my name?”Iwinasiwas niya ang kamay sa ere na para bang sinasabi nito na ayaw niyang marinig na nagtatanong ako. Inunahan niya ako sa paglalakad saka sumenyas na sundan ko siya.
Bakit naman ako susunod sa kanya? Hindi ko nga siya kilala, eh.
Huminto ako sa paglalakad at hinayaan siyang makalayo sa akin. Narinig ko pa itong nagsasalita pero dahil unti-unti nang lumalaki ang distansya sa pagitan namin, wala na akong naintindihan sa mga iyon. Isa pa, I have no interest in listening to nonsense spurted by strangers. Magkapareho man ang unipormeng suot namin, it doesn’t change the fact that he and I doesn’t know each other and he couldn’t be trusted easily.
Napakurap ako nang bahagya itong lumingon sa kanyang likuran. Kahit nasa malayo, kitang-kita ko kung paano kumunot ang noo niya.He rotated his body towards my direction and started to look around to find me. Ilang sandali lang, dumako ang paningin niya sa akin. Halatang iritado na siya, but that’s the least of my concern. Ano ba ang kailangan niya at bigla na lang siyang susulpot para sabihin na sumunod ako sa kanya?
He massaged the bridge of his nose to calm himself. Mabilis siyang naglakad palapit sa akin. Sinamaan niya ako ng tingin pero nilabanan ko lang iyon at saka nakipagtitigan sa kanya. His green-colored deep set eyes caught my attention. It was the first time I saw such beautiful and mesmerizing pair of eyes.
“Didn’t I tell you earlier to follow me?” Galit nitong tanong. “Is it that hard to fucking understand?” He added, almost shouting in annoyance.
“How did you know my name?” Pag-uulit ko sa tanong na ibinato ko sa kanya kanina. Napasabunot siya sa kanyang buhok saka napatingala.
“Your future adviser told me to find you and escort you to your classroom.” Based on how he answered my question, he knows that I am a transferee.
“Kung ganon, paano mo nalaman na ako ang Shiloah Dominguez na hinahanap mo?”Umangat ang gilid ng kanyang labi. Isang nakakainsultong ngiti ang iniharap niya sa akin.
“Tell me, do you see any other students around here?” Inilibot ko ang paningin sa paligid. Bukod sa aming dalawa, wala na akong nakitang ibang tao na nagkalat sa paligid, not even a single student.
Ibinalik ko ang paningin sa kanya saka ako napailing. “See? Wala naman kasing ibang mukhang tatanga-tanga dito kundi ikaw lang.” Nagsalubong ang mga kilay ko nang marinig ang sinabi niya. “Late na nga, naligaw pa.” Habol pa nito.
“Wow, ha! Thank you sa pagsundo mo sa akin. Thank you for making sure na mahahanap ko ang classroom ko.” I said sarcastically while plastering a fake smile on my lips.
“Don’t thank me. I was forced to do this shit.”Kumukulo na talaga ang dugo ko sa pesteng ito.
Masyado pang maaga para maubos ang baon kong pasensya pero hindi ko na talaga mapigil. Bakit ba kasi kailangan na ang isang ito pa ang ipadala ng adviser ko? Mukhang artista na may anger management issue.
“Sumunod ka na lang at wag ka nang madaldal. I will surely give you a heavy punishment kapag sumuway ka pa. Understood?”He even pointed his index finger in front of my face. Balak niya pa ata akong sungalngalin sa lapit ng daliri niya sa mukha ko.
Punishment? Patawa talaga siya. He can get a job as a comedian or kapalit ni joker. Ang kapal ng mukha na pagbantaan ako.“Excuse me? Sino ka ba sa akala mo?” Humalukipkip ako saka mataray na tumingin sa kanya.
He licked his lower lip and smirked at me. Dahil may katangkaran ang lalaki, kinailangan niya pang yumuko para tingnan ako. Bahagya akong napaatras ng iangat niya ang isang kamay hanggang sa level ng pisngi ko.“Marwin Theodore Grey at your service, the president of the campus supreme student government.” Marahan niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabon sa aking mukha.
He leaned closer to me and whispered something that absolutely sent chills down to my spine.“I am a devil in white and I am way too dangerous to handle when provoked.”