Chapter 3
Day 35: Sevelanio High (Present)
“Something huge is going on!”
Nagulantang ako sa sigaw ng isang estudyante na tila ba isang hibang na tumatalon-talon sa gitna ng hallway. Napakapit ako sa braso ni Farrah habang unti-unti kaming nakakalapit sa kinaroroonan ng babae. Tumatawa pa ito at animo’y nakasinghot ng isang dosenang bote ng rugby.
“Kalma lang, normal na ‘yan dito,” pabulong na saad sa akin ni Farrah. Narinig ko rin ang impit na pagtawa ni Jaimee sa tabi ko.
“Kapag may ganyang eksena, isa lang ang ibig sabihin niyan.” Jaimee said while pointing her index finger on the insane-looking woman who seemed like she has finally regained her sanity. Huminto na ito sa pagtawa at ngayon ay nakangiti na lamang habang nakatitig sa kawalan. On second thought, marahil ay hindi pa gaanong tumatalab ang dasal ko para sa kanya.
“What do you mean?” I curiously asked.
“Ibig sabihin, one of the campus celebrities is currently making an outburst,” naiiling na saad ni Jaimee. “Grabe sila, first thing in the morning talaga.” Dagdag pa niya.
“Campus celebrities?” muli kong tanong.
“President Grey is one of them,” Farrah replied. “And even sir Lexus, they are all bunch of remarkable species. ‘Yung iba, gwapo lang kaya naisama sa listahan.” She sighed.
Napatango-tango na lang ako. The terms are not familiar with me. Hindi naman kasi uso ang ganoon sa dati kong school. Mga feeling gangster na junior high students lang ang naka-encounter ko pero wala sa kanila ang masasabi kong mahitsura. Not that I’m being judgmental with their outer appearance but honestly, they all looked like criminals who escaped from prison.
“Teka nga!” Huminto kami sa paglalakad nang iharang ni Jaimee ang braso niya sa harapan namin. “Is that…Pres?” Itinuro niya ang direksyon ng tinutukoy.
Nangunot naman ang aking noo habang sinusundan ng tingin ang itinuro niya.
“Holy—What the hell is he doing?” Farrah exclaimed as she starts to cover her sight. “My virgin eyes!”
Nanlaki ang mga mata ko nang mamataan si Grey na nakatayo sa kabilang side ng green field. Basang-basa ang suot niyang damit dahil sa garden hose na hawak niya sa ibabaw ng kanyang ulo. Patuloy ang pagbagsak ng tubig sa kanyang katawan kasabay ng malalakas na tilian at malalaswang titig ng mga taong nakapaligid sa kanya. Gayunpaman, tila wala siyang pakialam sa lahat ng iyon. He looks so comfortable and relaxed on what he’s doing.
Ilang sandali pa ay nagulat ako nang bigla itong lumingon sa gawi namin. Our eyes met and the nervousness automatically crept into my system.
Anong nangyayari?
“Dominguez! You have to see me later!” He suddenly shouted.
Napalingon sa akin ang mga kaibigan ko, pati na rin ang mga tao sa hallway. Their looks were full of malice and doubt kaya mabilis akong napailing. I don’t know why that man told me to see him later pero may kutob ako na dahil na naman iyon sa pagiging official member ko sa journalism team.
“T-tara na sa classroom,” nauutal kong saad.
Mabilis naman silang tumango nang ayain ko sila. It was a relief na hindi na sila nagtanong ng kahit na ano.
Dumiretso kami sa room at naabutan namin doon ang tahimik at organisadong lagay ng silid. Bawat isa sa mga kaklase namin ay maayos na nakapwesto sa kani-kanilang upuan habang nagsusulat sa kanilang mga notebook.
