Chapter 13
Day 63: Mogpog Central School (Present)
Halos mapalundag ako sa gulat nang bigla na lang may umakbay sa akin nang makalabas ako sa room. “Ang tagal mo naman matapos. Kanina pa ako naghihintay dito.”
Nilingon ko siya at akmang babatukan nang mabilis niyang hulihin ang kamay ko.
“Sino ba ang may sabi sayo na maghintay ka rito?” angil ko saka hinila pabalik ang kamay ko. Mahina siyang natawa nang maulinagan ang inis sa boses ko.
“I remember you always being the first one to pass your paper in every competition we joined together back then.” Naningkit ang mga mata niya saka napailing sa akin. “That was so unusual of you to reach the last minute of the game.”
Napasampal ako sa sarili kong noo. Maging ako ay nahihiwagaan rin sa nangyari.
Paano, hindi nawala sa isip ko ang nabanggit ni Marwin Kanina. Imbes tuloy na ituon ko ang buong atensyon sa isinusulat na balita ay mas nanguna ang pagmumuni-muni ko patungkol sa nakakabiglang pahayag ng lalaking iyon.
“Is that ketchup on your nose?” Napalingon ako kay Van nang magtanong ito. “Wait, no! Is that blood?”
Inalis niya ang pagkakaakbay sa akin at natatarantang hinawakan ang magkabila kong balikat. I touched the skin below my nose. Napatingala ako nang pagsulyap ko sa aking daliri ay naroon nga ang kulay pulang likido. “Are you feeling okay?”
Napangiti ako nang maramdaman ang pag-aalala niya. “Okay lang ako. Siguro kapupuyat ko lang ito,” pagdadahilan ko. Inabutan niya ako ng panyo, kaya agad ko ‘yong ginamit upang pahirin ang bakas ng dugo sa ilong ko.
“You scared me!” Napasimangot ako sa kanya dahil sa biglaang pagtaas ng boses niya. “Don’t push yourself too much. What were you thinking?" Kahit pa lumalakas na pagkakasabi niya sa mga katagang iyon, mas nangingibabaw pa rin ang pag-aalala niya para sa akin.
“You’re just being too sensitive,” biro ko. Sinamaan niya ako ng tingin. “I’m fine, okay? Maayos ako, walang masakit sa akin.” He let out a heavy sigh afterwards.
Inalis niya ang pagkakahawak sa balikat ko. Pagkatapos ay hinablot niya ang bag ko at siya na mismo ang nagdala doon. “Tara na, puntahan na natin sila ma’am. You need—you have to rest.” Demanding? Gosh, umaakto na naman siya na parang tunay kong nakatatandang kapatid.
He grabbed my wrist and gently pulled me along with him. Nakakapanibago, wala ata siyang balak na kaladkarin ako ng todo. If I know, paraan niya lang ‘yun para pasimpleng alalayan ako. Ang lakas mang-asar pero makakita lang ng kaunting dugo, feeling ikamamatay niya na sa kaba.
Napangiti na lang ako sa ideyang pumasok sa isip ko. How I wish he was my real brother. Malaya kong pinagmasdan ang likuran niya. He’s quite tall for a twelfth grader. Bagay na bagay sana sa kanya ang pagiging basketball player, pero wala siyang hilig doon.
Mas gusto niya pang humawak ng gitara at mag-practice noon buong maghapon. Though we both know that he doesn’t have any luck when it comes to playing instruments, Even in singing, ang pangit ng boses niya kapag kumakanta. Madalas siyang nasisintunado.
Naalala ko pa noong pinilit siyang mag-perform ng teacher niya sa elementary dahil inakala nito na bihasa si Van sa pag-awit pero noong umpisahan na niyang ibuka ang kanyang bibig, lahat ay napadaing at napatakip ng kanilang mga tainga. Kahit ako naman, para kasing tinig ng naghihingalong, ipis ang naririnig namin sa ginawa niyang pagkanta.
“Kamusta?” Agad kaming sinalubong ni Mrs. Quindoza nang tumapat pa lang kami sa bukana ng silid.
“It went well, coach.” Inilibot ko ang paningin sa paligid. Kaunti lang ang estudyante na nasa loob. Malamang ay nasa laban na ang karamihan. Hindi ko namataan si Venice at Jaimee.
