Chapter 24
Day 76: Sevelanio High (Present)
Four days after going back to my real house. Maayos naman ang lahat. Hindi pa kami gaanong nag-uusap ng Papa ko pero wala namang kaso sa akin iyon. Sa totoo nga, mas komportable pa ako kapag hindi kami nagpapansinan. I mean, lagi namang ganoon ang eksena at wala na rin akong inaasahan.
Pero may mga pagbabago pa rin naman. Minsan ay sumasabay na siya sa akin kapag kumakain ng umagahan, sobrang tahimik nga lang at nakakailang ang bagay na ‘yon. He also offers me milk—he’s being strangely kind. But I don’t consider it a fatherly deed. Ngayon pa na malaki na ako? Besides, the milk tastes awful.
Nalaman ko rin na bumibisita pa rin pala sa bahay ang kabit niya kahit noong wala ako. And with that, mas lalo lang kumukulo ang dugo ko. Last time, inabutan ko silang magkasama sa bahay nang umuwi ako galing sa school. Of course I got angry pero sinarili ko na lang at hindi na sila binigyang pansin. What would I gain from shouting at them? Sama lang ng loob.
Isa pa, mukhang hindi naman tinatalban ng insulto ang babaeng iyon. Tila mas makapal pa sa dictionary ang mukha niya. Funny!
"Hoy! Pinapatawag tayo sa office ni coach!" anunsyo ni Farrah mula sa bukana ng silid. "Mali pala! ' Yung mga participants lang sa Journalism," paglilinaw niya.
"Sabay na tayo."
Nilingon ko ang lalaking nakatayo sa gilid ng kinauupuan ko. Tumingala ako para tingnan ang mukha niya. He was smiling sweetly before offering his hand to me. Napangiwi ako at tumayong mag-isa. I don’t need him to help me with such a simple task.
Nilampasan ko lang siya, saka ako sumunod kay Farrah. "Suplada," I heard him mumble. Lihim akong napangiti.
Nang marating namin ang opisina ni coach kani-kaniya kaming hila ng monoblock para doon maupo. As usual, katabi ko na naman si Jaimee at Farrah. Nasa likuran namin si Van, kasama ang pamilyar na lalaking hindi ko naman kilala sa pangalan. Basta siya ‘yung kasama naming lumaro ng Truth or Dare.
Gosh! Ayoko nang balikan ang tagpong ‘yun!
Ilang sandali pa ay dumating na rin ang coach ng kabilang team, which is ang masungit na propesor na si sir Lexus. He walked towards the front and faced our direction. Tumikhim muna ito at inayos ang suot niyang salamin. "Nandito na ba ang lahat?"
"Kumpleto na sila, sir!" Si Mrs. Quindoza na ang sumagot. Nasa likurang bahagi siya ng silid at medyo abala sa pagso-sort ng mga papeles. Hindi ko alam kung para saan iyon, pero wala rin naman akong balak na alamin pa. Pansin ko ang pagtango ng propesor.
"Okay, I shall make the announcement quick."
Nag-umpisa na siyang magbigay ng impormasyon patungkol sa Division Level Journalism na magaganap sa susunod na linggo. Nabanggit niya na dadausin ang kompetesyon sa Gasan Southern Campus na dalawang bayan ang layo sa lugar namin. Hayst, nag-aalala talaga ako sa perang gagastusin ko.
"So the competition will be held for two days, including the awarding ceremony."
Napatanga ako sa narinig. Does this mean na doble pa ang gagastusin ko? I’m broke!
"Sevelanio will handle the food and transportation fees for all the participants. But since limited lang ang budget natin for transportation, we decided na doon na rin tayo mag-stay hanggang sa matapos ang event."
Namilog ang mata ko sa narinig. Thank goodness! Wala na pala akong dapat na problemahin.
"Permission to speak, sir!" Lahat kami ay nabaling ang paningin kay Jaimee nang magsalita ito at magtaas ng kamay. Tumango sa kanya ang propesor. "Are you saying na doon po tayong lahat matutulog sa campus for one night?"
BINABASA MO ANG
Mystified Heartstrings (A Collaborative Novel)
Novela JuvenilA collaborative novel.