Chapter 19
Day 68: Grey’s Residence, Villa Mendez
Hindi kami magkasabay na umuuwi, kahit pa iisang bahay lang din ang tutuluyan namin. Ayos lang naman dahil alam kong nag-iingat lang din siya. Sa tuwing nauuna siyang makarating sa kabayanan, hinihintay niya ako sa paradahan, at sabay kaming maglalakad pauwi sa kanila.
Dalawang araw na ang lumipas. Wala na rin akong narinig about sa papa ko. Tinanong ko si Grey tungkol sa nangyari, kung paano niya nakuha ang numero ng papa ko. Hindi naman siya nagsinungaling at sinabi sa akin na nagtungo raw siya sa bahay namin para ipaalam dito na sa kanila ako nakikipanuluyan.
I admit that I was a bit surprised that nang malaman ko na hindi siya pinagbuhatan ng kamay ni Papa. Maayos niya raw itong nakausap at nagawa pa akong ihabilin. Marami pa rin akong agam-agam. Siguro ay tatapusin ko muna ang palugit na napag-usapan namin ni Marwin bago ko susubukang harapin ulit ang papa ko.
Sa totoo lang, gusto ko na rin umuwi para makita siya pero pinangungunahan ako ng galit at sakit na nararamdaman ko. Marahil kailangan ko pa ng panahon para pakalmahin ang sarili. I really had a hard time accepting it. Honestly, I wanted to choose being so happy at that time pero mas nangibabaw ang pagdududa ko.
That night after the incident, nahirapan akong matulog. Napuno ng ingay ang loob ng kwarto ni Marwin dahil sa mga hikbi ko. Gayunpaman, hinayaan niya lang ako. Alam kong nahirapan siyang samahan ako nang gabing ‘yun.
He should’ve just yelled at me or scolded me for being too noisy dahil ganoon naman siya pero wala siyang ginawa. Tahimik lang siyang nakinig sa hinaing ko.
"Clean it thoroughly, Dominguez."
Napakurap ako nang marinig ang boses niya. I shifted my gaze towards him and saw how busy he was while wiping the glass frame of their sliding door on the balcony.
Katatapos lang naming kumain ng meryenda pagkauwi sa bahay. Inutusan siya ng mom niya na linisin ang bubog ng pinto, kaya nag-prisinta ako na tulungan siya. Pero mukhang wala naman akong naitulong dahil kanina pa ako natutulala habang siya ay patuloy lang sa ginagawa.
"P-pasensya na."
Lumingon siya sa akin saka nagkibit-balikat. Hinablot niya mula sa kamay ko ang basang pamunas saka iyong inilagay sa loob ng hawak niyang balde. "You can wash up after this. Papahiramin na lang kita ng damit."
Napatango ako sa sinabi niya saka marahang ngumiti. He diverted his gaze away from me. I notice the tense movement of his Adam’s apple. My eyes narrowed when I saw his hand tightening its grip on the bucket’s handle.
He cleared his throat. "And about your undergarments..." Binasa niya ang pang-ibabang labi at tila ba nagdadalawang-isip pa kung itutuloy niya ang kanyang sasabihin. "I bought you some, but I don’t know your cup size, so," naiilang niyang saad bago mabilis na umalis sa harapan ko.
I was left speechless. Ilang segundo bago tuluyang magsink-in sa utak ko ang sinabi niya. Nagsimulang uminit ang mukha ko. I immediately cupped it and looked sideways to make sure no one would see me blushing. Patakbo akong pumasok sa kwarto niya at ini-lock ang pinto. Gusto kong tumili ng malakas, pero pinigilan ko ang sarili.
Tahimik akong naglakad palapit sa nakabukas na bintana. Medyo maliwanag pa sa labas dahil hindi pa tuluyang nagpapaalam ang araw. Pasimple akong dumungaw doon para silipin si Marwin na kasalukuyang nililinisan ang ginamit naming balde at mga pamunas gamit ang kanilang garden hose.
