Chapter 26

41 7 0
                                    

Chapter 26

 

"This is nice."

Nakaupo ako sa dulo ng ilang baitang na hagdan habang tahimik na tinatanaw ang labas ng Gasan Southern Campus. Malapit lamang ang paaralan sa munisipyo at sa tabi niyon ay ang pampublikong parke na dinadayo ng mga tagarito. Mayroon doong malaking fountain na pinakang-sentro ng atraksyon.

Masigla ang lugar dahil sa dami ng taong nagkalat doon. Nababalot ng nakamamanghang liwanag ang paligid dahil sa mga fairy lights decorations na nakakabit sa mga poste at punong paikot sa parke. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang ganda ng paligid.

Gusto ko sanang pumunta para mamasyal at kumuha ng mga litrato pero pinagbabawalan kami nila coach na lumabas ngayong gabi. Hindi rin ako pwedeng dumaan sa gate dahil may guard na nagbabantay.

"What are you doing out here?"

Boses iyon ni Van. Lumingon ako sa kanya. Nakatayo siya sa bandang likuran ko. Payak siyang ngumiti bago marahang naglakad palapit sa akin. Naupo siya sa tabi ko, saka niya itinuon ang kanyang paningin sa unahan. "Natutulog na silang lahat," he said.

"Hindi pa ako inaantok," tugon ko.

"May problema ka?"

I have lots of problems. I couldn’t even remember all of it. Hindi ko na alam kung alin ang uunahin ko. Hindi ko alam kung paano ko ba aayusin. Sana nga totoo ang magic—‘yong tipong kapag hiniling ko na mawala lahat ng pasakit sa buhay ko. Magkakatotoo na lang bigla.

"Wala naman," I lied.

"Say it, makikinig ako."

Napatingin ako sa kanya.

I let out a heavy sigh. "W-wala nga." I looked away when I saw his eyes narrow. Halatang hindi siya kumbinsido sa sagot ko.

"We’ve been friends since primary. Kilala na Kita." Kahit pa ilang taon tayong hindi nagkita, that doesn’t mean na nawala na rin ang kaalaman ko tungkol sayo." I heard him chuckle. "Alam ko nga na dinaya mo ‘yong first quiz mo noong grade four ka."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Paano niya nalaman? Hindi nga ako nahuli ng teacher ko, eh!

"Van naman!" Angil ko na ikinatawa niya.

"See? Halatang guilty," mapang-asar niyang banat. Itinukod niya ang kanyang magkabilang braso sa sahig. He leaned back and raised his head to gaze at the night sky. Ginaya ko ang posisyon niya at pinagmasdan na rin ang mga kumukutitap na bituin sa kalawakan. It was indeed beautiful.

"Does she like you too?" Bigla ko na lang naitanong. I just remembered that time when he told me that he liked someone else.

He snorted. "I don’t know. She’s too hard to please."

Sinulyapan ko siya. I can feel the exhaustion in his voice. Kung sino man ang babaeng nagpapahirap sa kanya ngayon, she better get back to her senses. Vandreid is such a precious guy who deserves the best. Kahit pa madalas ko siyang sungitan—I care for him more than the world may ever know. He is my friend and my almost-older brother.

"But you still like her?"

Marahan siyang natawa saka napatango-tango. The light coming from the moon reflected in his eyes, making it seem like it was sparkling because of the bliss he felt upon hearing about the girl he likes.

"I do. I really do." Nilingon niya ako. "How about you? Do you think he genuinely likes you?"

I shrugged my shoulders. "What do you mean? Who’s he?" I pretended like I couldn’t catch up  to what and whom he was referring to.

Mystified Heartstrings (A Collaborative Novel) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon