Chapter 17
My palms are sweating because of too much nervousness. I badly want to stop them from staring at me. Kahit pa nakapaskil ang maamong ngiti sa kanilang mga labi, hindi ko pa rin maiwasang mailang dahil doon. I planned to stay chill upon seeing them, but my confidence failed me. Hindi ko magawang tumingin ng diretso sa mga mata nila. Tanging pag-ngiti lang ng pilit ang nagawa ko.
"Her name is Shiloah," pakilala sa akin ni Marwin. Naramdaman ko ang mahina niyang pagtapik sa kamay ko mula sa ilalim ng mesa. "She’s my girlfriend." Pansin ko ang pagtango ng dad niya nang marinig ang sinabi niya.
"She’s gorgeous. I like her."
Napakurap ako sa komento ng mom niya. She’s too straightforward. Wala pa nga akong ginagawa pero heto at sinasabi niyang nagugustuhan niya na agad ako.
"Hija, ano ba ang nakita mo sa anak ko?"
Umayos ako ng upo saka diretsong tumingin kay Mr. Grey.
What did I like about him? Should I say na masyado siyang masungit? —that he is a life-threatening species and an insane human being.
"I think she’s too shy to expose herself," Marwin interrupted. Mukhang natunugan niya na medyo dehado ako sa tanong na ibinato ng tatay niya, since wala naman talagang kagusto-gusto sa kanya bukod sa gwapo niyang mukha, sa well-built body figure niya, sa maganda niyang boses, sa talino niyang taglay, sa—teka Ano bang sinasabi ko?
"Come on, hija, I just want to hear some of your opinions regarding my son." Halatang sabik na sabik ang tatay niya na makarinig ng kwento patungkol sa anak nito.
"Well…" I took a swift glance at Marwin. "He is really a mischief-maker at times. He loves to pick a fight against me and is a total expert when it comes to making my blood boil." Ngumiti ako sa mag-asawa na parehong lumaglag ang panga dahil sa sinabi ko.
"I-is he?" nauutal na tanong ng mom niya. I just nodded my head. My chair slightly wobbled when Marwin’s foot hit it. Mabuti na lang at hindi iyon gaanong malakas kaya walang ingay ang nalikha.
"Love naman!"
Agad ko siyang nilingon saka pinandilatan. How dare he call me such a label? I smiled at him to warn him about his reckless speech. Baka gusto niyang ibuko ko ang plano niya. That was disgusting! Love? My god…
"Does he give you headaches?" habol pa ng dad niya.
"Indeed, sir." Marwin suddenly placed his hand on top of my right shoulder. Bahagya niya ‘yong pinisil kaya naman muntik na akong matawa. May kiliti kasi ako sa parteng iyon.
"Loveeee."
Malambing ang pagkakasabi niya doon, pero alam na alam kong gusto na niya akong kaladkarin paalis sa harap ng mga magulang niya. He clenched his jaw and simply furrowed his brow. I already drew a bigger picture before running my mouth. He should just wait and see.
Wala naman akong balak na siraan siya at ang sarili ko sa mga magulang niya. I don’t want to be kicked out of their house in the middle of the night and sleep on the streets. No way!
"Then why are you still staying with him?"
Bingo! I got the question that I wanted to hear from them. This should give me a point. I am excited to see Marwin’s reaction.
"Because he knows me better than anyone else." I smiled. "No matter how terrible his personality is, not even once did he make me feel alone and worthless. He never hurt me or made me cry." Napanguso ang mom ni Marwin at mukhang maluluha na habang nakikinig sa akin. This is great. I am surely touching their hearts. Walang duda na makukuha ko ng buo ang loob nila.
