Chapter 15

39 4 1
                                    

Chapter 15

 

Halos mapunit na ang labi sa kakangiti habang pinagmamasdan ang medalyang nakasabit sa dingding ng kwarto ko. This is the first time I have placed my award out in the open. Sa tuwing nananalo kasi ako sa contest, itinatago ko lang sa baul ang mga medals na natatanggap ko. But this one is special to me, kaya mas pinili kong i-display iyon sa kwarto ko.

Mariin kong naipikit ang mga mata nang makaramdam ako ng pagkahilo. Napahawak ako sa sentido ko saka marahan ‘yong minasahe. Muntik pa akong mawalan ng balanse, mabuti at mabilis akong nakakapit sa sandalan ng silyang malapit sa kinatatayuan ko. I tried to open my eyes. Tila lumalabo ang paningin ko.

Marahan akong kumilos upang makalapit sa kama ko. I just need to rest. Sabado ngayon at wala naman akong masyadong gagawin. Nakapaglinis na ako ng bahay at nakapagluto na rin naman ako ng kakainin namin ni Papa.

Speaking of the old man, wala pa rin akong balita tungkol sa kanya. Hindi siya umuwi kagabi, kaya hindi ko rin naikwento sa kanya ang tungkol sa achievement ko. But who am I kidding? Kahit sabihin ko sa kanya, wala pa rin siyang pakialam.

Elementary pa lang ako nang iwan kami ni mama, grade three to be exact. Hindi siya sumama sa ibang lalaki, she died. Simula noon, kami na lang ni Papa ang magkasama. My life was plain and boring. Gumigising lang ako, papasok sa school, uuwi, at tutulog na naman.

Si Papa, hindi kami close. Never ko pa siyang nakausap ng masinsinan o nakabonding man lang. We’re not the typical father-daughter relationship. We live under the same roof, but we’re more like strangers with a weird connection.

I consider him my father because he provides me with food and shelter. Kahit pa pakiramdam ko ay balewala sa kanya ang lahat ng ginagawa ko, sinusubukan kong huwag maghinanakit sa kanya. Madalas niya akong pagalitan at batuhin ng masasamang salita.

Kung minsan nga ay sinasaktan niya na rin ako, pero pilit ko pa rin siyang iniintindi. That time, na sumagot ako sa kanya, siguro nasagad lang talaga ang pasensya ko. I just wanted to feel free—even for a short while.

After that incident, hindi niya na ako kinakausap. Kahit ang pagbati sa akin sa umaga o ang lagi niyang ginagawang pagpapaalala patungkol sa iba’t ibang bagay, tuluyan na rin naglaho. Parang mas lumala lang ang sitwasyon sa pagitan namin. He can’t even look at me. Para bang napakadali sa kanya na iwasan ako. Sometimes, napapaisip ako kung anak niya ba talaga ako.

Natigilan ako sa pagmumuni-muni nang biglang tumunog ang notification notice ng cellphone ko. Tumagilid ako sa kama. I stretched my arm to reach for my phone, which was placed on top of my side table. Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang cellphone ko. Napakurap ako nang makita ang hindi pamilyar na numero na nakapaskil sa screen nito.

"I have a favor to ask you. Pupuntahan kita ngayon."

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang nakasulat sa message box ko. Hindi man nakasave ang contact information ng nagmamay-ari ng numero, nakilala ko na agad kung sino iyon. Wala namang ibang maglalakas-loob na puntahan ako sa bahay namin kung hindi si Marwin lang.

I badly want to send him a text reply pero naalala ko na hindi nga pala ako nakapagpa-load. Paano ko sasabihin sa kanya na huwag na siyang tumuloy?

Napatampal ako sa noo. He is making my life more difficult than it already is.

"Oh?" Dinama ko ang balat ko. Bigla naman ata ang pagtaas ng temperatura ng katawan ko. "Nilalagnat ba ako?" Kinapa ko ang thermometer sa ibabaw ng mesa. I used it often, kaya doon ko lamang inilalagay iyon. "Here it is!"

Mystified Heartstrings (A Collaborative Novel) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon