Special Chapter

97 5 0
                                    

Special Chapter

Marwin

Five years earlier...

 

TAGAYTAY CITY, ANGEL'S HILL, DECEMBER 6, 2018

 

The official start of the Regional Schools Press Conference is still tomorrow. Tatlong araw pa rin ang hihintayin bago mag-umpisa ang kompetisyon. Alas-syete na ng gabi nang makarating kami sa Tagaytay. Imbes na dumiretso kami sa hotel na tutuluyan namin ay kinailangan pa naming dumaan sa tinatawag nilang Angel’s Hill para doon kumain ng dinner.

Halos dalawang-daang metro ang espasyong nasasakupan ng mga tents na itinayo para sa dining area ng mga bisita mula sa iba’t-ibang rehiyon. Naalala ko na malaki nga pala ang binayaran namin doon kaya kinakailangan din na sulitin namin ang pagkakataon. Sakop dito ang breakfast, lunch, and dinner at pati na meryenda sa buong maghapon. Disente naman ang pagkain at may ino-offer pa silang prutas at desserts tulad ng cupcakes at macaroons.

Masyado na akong pagod sa biyahe kaya gusto ko na lang magpahinga. Kaunti lang ang kinuha kong pagkain at binilisan ko rin ang pag-ubos ‘non. Nagkwentuhan pa ang mga kasama ko kaya medyo natagalan bago namin lisanin ang maingay na lugar na ‘yon.

Inihatid kami ng service van patungo sa Yellow Bell’s Hotel. Halos limang minuto lang ang naging biyahe namin. I thought it would be a huge building with more than twenty floors, but no. Kulay berdeng gate na medyo kinakalawang na ang sumalubong sa amin. Kinailangan pa naming maghintay ng matagal bago kami pagbuksan dahil mahina na ang pandinig ng matandang nag-aasikaso roon.

Mala-anscestral house ang disenyo ng unang bahay na tumambad sa akin. May malaking hagdanan sa harapan na magdadala sa iyo sa ikalawang palapag. May malawak na balkonahe roon kung saan may nakalagay na sofa at flat-screen TV sa harapan. Sa kanan ay may dalawang pinto para sa dalawang silid.

"Sumunod lang po kayo sa akin, madame," magiliw na ani ng matanda habang sumesenyas kay coach.

Iginaya niya kami patungo sa likurang bahagi ng unang bahay. Bahagyang umawang ang bibig ko nang mapansin ko ang swimming pool na naroroon. Hindi ko lang inasahan. Sa itaas noon ay ang wooden brigde na nagdurugtong sa ikalawang palapag ng unang bahay patungo sa pangalawa. Malaki rin pala ang lugar, pero hindi gaanong masigla ang vibes ng paligid.

"Jamille! Tingnan mo ‘don, oh!"

Napatingala ako nang marinig ang malakas na boses ng isang babae. Nangunot ang noo ko nang makita ang itsura nito. Maliit ang mukha niya, maikli ang buhok, at may bangs na kagaya ni Dora.

"Hoy! Umayos ka nga! Baka ka mahulog!" saway ng isa pang babae nang makita niya itong dumudungaw sa tulay. Maging ako ay medyo kinabahan para sa kanya dahil halos kalahati na ng katawan niya ang nakasampa sa gilid ng tulay.

"Marwin! Halika na rito!"

Nabaling ang atensyon ko kay coach nang tawagin niya ang pangalan ko. Tumango lang ako at naglakad na rin palapit sa kanila. Pero bago pa man kami tuluyang makalayo sa bahaging iyon ng hotel, nagawa ko pang lingunin ang babae. Bahagya akong nagulat nang makitang nakatingin ito sa akin. Ngumiti siya bago kumaway na para bang magkakilala kaming dalawa.

Nagsalubong ang dalawa kong kilay. Payak ko lamang siyang tiningnan bago ko siya talikuran. Sumunod na ako kina coach. Dinala kami ng matanda sa dulong bahagi ng hotel kung saan matatagpuan isang cabin. Pagpasok doon ay agad na sasalubong ang limang helera ng double-deck beds at sa dulo naman ay ang dalawang shower room na sliding ang pinto. Simple lang.

Mystified Heartstrings (A Collaborative Novel) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon