Chapter 14
‘Why did you kiss me, though?’
Kanina ko pa pinagmamasdan ang likuran niya, pero wala akong lakas ng loob na tawagin o kausapin siya. Hindi ko talaga maintindihan. Alam kong ilang beses ko nang nabanggit ang paiba-iba niyang katauhan, pero gusto ko pang ulit-ulitin.
Madalas niya akong sungitan at laitin, pero ngayon, pansin ko na tila mas nangingibabaw ang mga galawan niyang nagsisilbing paraan para makalamang siya sa akin. Hindi niya lang alam pero muntik nang sumabog ang puso ko noong sinabi niyang ako ang first kiss niya kahit wala naman akong ideya patungkol doon.
Balak niya lang ba akong pag-tripan?
"Grabe! Kinakabahan ako. Malapit nang mag-start ang awarding," Jaimee fretfully said while marking herself with the sign of the cross.
"Sana makapasok tayo sa division level," nakangusong wika ni Farrah.
Kadalasan ay hanggang top three candidates lang ang kinukuha sa district level upang ilaban sa division, pero napag-alaman namin na hanggang top two lang ang kukunin sa taong ito. I hope to get the first place, but alam ko namang malabong mangyari ‘yon dahil masyado akong nadistract sa pagsusulat kanina. I wish to get even second place at kung hindi man palarin, kahit third na lang. Basta—umaasa lang talaga ako!
Nang tuluyan nang matapos ang lahat ng laban per category, nagkaroon ng break time para sa lahat ng participants. Kinuha rin ng mga panel of judges ang pagkakataon na iyon upang mag-evaluate ng mga submitted entries at piliin ang mananalo.
We had nothing else to do, kaya naman nang mag-aya ang isa sa amin na pumasyal muna sa public park na nasa tapat lang ng campus ay agad kaming sumang-ayon. Pumayag naman si coach, pinaalalahanan niya lang kami na bumalik bago magsimula ang awarding ceremony. Hindi naman pinayagan ni sir Lexus ang team niya kaya hindi namin maisasama si Jaimee. Ang sama talaga ng ugali ng propesor na iyon!
"Magpapaiwan na lang ako rito."
Nilingon ko si Farrah nang sabihin niya ‘yon. Siya na nga lang at si Van ang ka-close ko, hindi pa siya sasama.
"I have to check on someone."
"Someone?"
She quickly nodded her head.
"Can you please just come with us first? Maybe you can check on that person later?"
"Sorry!" Iniangat niya ang isa niyang kamay saka marahang kumaway sa akin. "Just enjoy, okay?"
Napanguso ako nang tapikin niya ang balikat ko bago niya ako talikuran. She walked away and left me with a bunch of people whom I find uncomfortable to be with. Magpaiwan na lang din kaya ako?
"Should I just go with Farrah?" pabulong kong tanong sa sarili. Akmang ihahakbang ko pa lang ang paa ko para sumunod kay Farrah nang maramdaman ko ang paghawak ng kung sino sa palapulsuhan ko. I grunted in frustration.
"You’re not planning to run away after agreeing to come along with us?" Nilingon ko ang nagsalita. "Are you?" It was Vandreid. I really want to smack his face upon seeing his cool expression. Why does he sound like the arrogant version of Grey?
I forcefully plastered a smile on my face. "You told me to rest earlier."
Nawala ang angas sa itsura niya nang marinig ang sagot ko. Bahagya siyang napatungo bago unti-unting niluwagan ang pagkakahawak sa akin.
"Do you want me to stay here with you?" Marahan siyang ngumiti sa akin.
"N-no need, sumama ka na sa kanila. Ayos lang naman ako rito. Nandito rin naman si coach." Itinuro ko si Mrs. Quindoza gamit ang nguso ko. Natawa lang siya nang makita ang itsura ko habang pilit na pinapahaba ang nguso ko.