Chapter 1

158 7 0
                                    

Chapter 1


Day 28: Sevelanio High (Present)


Sevelanio High is an infamous learning institution located at the suburbs of Marinduque. Balita ko, kahit may kalayuan ang paaralan sa syudad, marami pa rin ang mga kabataan na naeengganyong mag-aral doon. If you want to know their reason, karamihan sa pinakamatatalinong estudyante sa probinsya na inilalaban sa national at international level competition ay doon nagmumula.


Bago pa man ako tumungtong sa teritoryo ng paaralan, naiguhit ko na agad sa isip ko kung ano ang possibleng hitsura ng lugar at kung gaano ito ka-advance kumpara sa ibang schools. Gayunpaman, simula sa unang araw ng pagpasok ko roon, wala akong nakitang kakaiba. Normal lang ang lahat. Ang mga guro, estudyante at ang paligid—maliban siguro sa isa naming propesor na ubod ang sungit at nasa edad labing-siyam pa lamang.


Oo nga pala! Naalala ko ‘yung mayabang na SSG President. Well unfortunately, hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakasundo. Ewan ko ba, parang sobrang laki ng galit niya sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Hinahayaan ko na lang din naman kasi ayon sa mga kaklase ko at sa mga naging kaibigan ko, pangit daw talaga ang ugali ng lalaking iyon. Imagine, siya ang may hawak ng pinakamataas na posisyon sa supreme student government pero isa rin pala siyang sikat na bully.

How ironic, isn’t it?


And heto pa ang nakakainis, bukod sa nakahanap agad ako ng kaaway sa first day of school ko, mas lalo pa akong inasar ng universe dahil nalaman ko na lang na kaklase ko rin pala ang lalaking iyon.

Worst case scenario, naging seatmate ko pa siya!


Natigil ako sa pagmumuni-muni nang maramdaman ang pagyanig ng silyang kinauupuan ako. Someone kicked it and I already know who that someone is, even without looking at his annoying face. 


Hindi ko siya pinansin at inilabas na lang ang notebook ko. I held my pen and started writing random words that came up in mind. But then again, wala atang plano ang katabi ko na patahimikin ang buhay ko. The chair wobbled a bit after being kicked twice by the insane guy beside me.


Still, I ignored him and decided to move my chair away from him. Akala ko ay titigilan niya na ako pagkatapos ‘non pero nagkamali ako. He suddenly grabbed one side of my chair and pulled it back to where it was before. A loud screeching sound enveloped the room because of what he did.

Nabaling ang atensyon ng lahat sa amin.


“Is there something going on there?” Tanong ng propesor na mukhang naabala sa pagsusulat sa blackboard dahil sa nakakaistorbong ingay na nalikha ng paghila sa silya.


Nilingon ko si Marwin at nakita ko ang pagsilay ng nakakalokong ngiti sa labi nito. Hindi siya nakatingin sa gawi ko pero alam ko na ang pagkairita ko ang dahilan ng tuwa niya.

What the hell is his problem?


“Grey, Dominguez! Did I ask you or what?”

Gumagana na naman ang pagiging masungit ni Sir Lexus. That’s his name, cool pakinggan dahil pang-gangster ang datingan. Kaso lang mas bagay sa kanya ang pangalang Menopause, para akma sa ugali niya.


“Inayos ko lang po ‘yung pwesto ng upuan ko, sir.”

Sandali niya akong tinitigan na para bang sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo. I saw him smirk before shaking his head and turning his back on me.

Nagtaka ako sa naging ekspresyon niya pero hindi ko na lang din pinansin. Ang mahalaga, wala na siyang idinagdag na additional questions.


Napadaing ako nang maramdaman ang pagtama ng kung anong bagay sa kaliwang pisngi ko. Napayuko ako upang tingnan kung ano iyon, crumpled paper.

Mystified Heartstrings (A Collaborative Novel) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon