Chapter 27

36 5 0
                                    

Chapter 27

Day 79: Gasan Southern Campus

“Shiloah, bilisan mo riyan! Natatae na raw si Gelo!”

Bahagya akong natawa nang marinig ang malakas na sigaw ni coach mula sa labas ng banyo. Nakatayo lang ako sa harap ng hindi kalakihang salamin habang tiim na pinagmamasdan ang sarili kong repleksyon. Namumutla na naman ako.

Itinukod ko ang magkabila kong braso sa bathroom sink, saka ako napayuko. Something is trying to push through my throat. Parang may nalalasahan din akong kalawang sa bibig ko. Napaubo ako ng ilang ulit bago tuluyang kumawala ang bumabara sa lalamunan ko.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang tumambad sa akin ang kulay pulang likido na nagkalat sa sink. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil magkahalong kaba at pangamba. What is happening to me? I just vomited blood.

“Shiloah!” Nakarinig ako ng malalakas na katok sa pinto.

Agad kong binuksan ang gripo saka ako sumahod ng tubig mula roon. I used it to wash out the red liquid that was left inside my mouth. Napangiwi ako nang mas nangibabaw pa ang nakakasukang lasa ‘non sa dila ko. Sinigurado ko rin na walang maiiwang bakas ng dugo sa sink.

Naghilamos muna ako bago ko tuluyang buksan ang pinto. Lumabas na ako at nagmamadali namang pumalit sa akin doon ang lalaking tinutukoy nila kanina. Lumapit sa akin si Jaimee at inabutan ako ng malinis na tuwalya. Ginamit ko iyon para punasan ang basa kong mukha.

Lumingon-lingon ako sa paligid para hanapin si Grey. Simula paggising, hindi ko pa siya nakikita. Gosh! Hindi naman sa nami-miss ko agad siya—sadyang... Siguro parang ganoon na nga.

“Nakita mo si Marwin?” tanong ko.

“Bakit mo hinahanap?” bigla na lang singit ni Farrah. Tinatamad niya akong tiningnan habang ngumunguya siya ng bubble gum. Grabe! Is that her breakfast?

Gusto kong pigilan ang pag-ngiti ko, pero taksil ang mga labi ko.

“Umagang kay ganda!” Napatingin kami kay Van na nakaupo sa isang sulok habang kumakain ng tinapay. Nag-angat ito ng tingin saka ngumisi sa akin. Sumimangot lang ako saka siya inirapan.

“Alam mo, nalilito talaga ako,” si Farrah. Ibinaling ko ang paningin sa kanya. Medyo nagulat ako nang bigla niyang tapikin ang balikat ko. Diretso siyang nakatingin sa mga mata ko. Hindi siya kumukurap, kaya inakala ko ay nagkakaroon kami ng staring contest.

“Ako rin eh!” banat naman ni Jaimee.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ang weird pala nila kapag bagong gising. “Umamin ka nga..." Humalukipkip siya saka naniningkit ang matang tumitig sa akin.

“What?” I chuckled.

“Kayo ni Pres, what’s going on between the two of you?”

I bit my lower lip and turned my gaze away from them. I just couldn’t stop myself from smiling.

“Oh!” Itinuro ni Farrah ang mukha ko. “Bakit ka ngumingiti? Kinikilig ka ba?”

Napakurap ako saka marahang umiling sa kanya. Hindi pa rin nabubura ang ngiti ko.

“B-bakit naman ako kikiligin?” pagdadahilan ko. I cupped my face when I felt like it was heated. Baka mamula ang pisngi ko at mapansin nila, siguradong hindi nila ako titigilan.

“Good morning!” Dumako ang paningin namin sa pinto ng silid kung saan kapapasok lang ni Marwin. Nakasuot na siya ng uniporme at halatang bagong ligo lang. Where the hell did he take a bath? Napatingin siya sa gawi namin nila Jaimee.

Mystified Heartstrings (A Collaborative Novel) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon