Chapter 29

65 5 0
                                    

Chapter 29
 
 
Van visited on my seventh day of being hospitalized. He didn’t ask me anything. Marami siyang baon na kwento patungkol sa mga nagaganap sa school habang wala ako. Nabanggit niya rin na next month na ang laban nila sa Journalism. Pupunta sila ng Tagaytay. Kasama sana ako pero kailangan kong manatili para sa nalalapit kong surgery. Wala pa rin kasing donor na lumalantad.
 

Marwin has undergone the testing para malaman kung may potential siya na maging liver donor ko pero hindi compatible ang blood type namin. Even Jaimee and Farrah wanted to try it out pero hindi sila pinayagan ng parents nila.
 

My father? He didn’t even bother to do the same thing that Marwin did. I already expected it. Sa halos dalawang linggo kong pananatili sa hospital, tatlong beses lang siyang bumibisita, ang isang beses ay natutulog pa ako at ipinaalam lang sa akin ng nurse. Parang dumadalaw lang siya para tingnan kung buhay pa ako.

 
Mas mabuti pa nga ang parents ni Marwin dahil lagi nila akong binibisita. Dinadalhan nila ako ng lutong bahay at madalas rin silang magtagal para makipag-kwentuhan sa akin. Laging si Marwin ang topic ng usapan namin dahil ibinubuko nila sa akin ang mga kalokohan nito noong bata pa. Panay pigil naman ang lalaki kapag narito siya at napapakinggan ang kataksilang ginagawa ng mga magulang niya.
 

Isang beses din akong dinalaw ni sir Lexus, nakapagtataka nga eh. Hindi naman kami close at alam ko talagang masungit siya, kaya hindi ko inakala na pupuntahan niya ako rito—para dalhan ng sermon at paliwanagan ng mga bagay patungkol sa sikolohiya.

Sa umaga, si nurse Pat lang ang kasama ko dahil nga wala namang nagbabantay sa akin na kamag-anak ko. Pero kapag busy siya ay naiiwan akong mag-isa sa tahimik na silid. Binubuksan ko na lang ang TV para kahit paano ay magkaroon naman ng sigla sa bawat sulok ng matamlay na lugar. Hindi naman ako nanonood, maliban na lang kapag ang paborito kong cartoons ang ipinapalabas.
 

Ah! Oo nga pala, napanood ko na rin ‘yung Endgame ng Avengers kung saan namatay ang tinutukoy ni Marwin na si Iron Man. Naiyak din naman ako pero hindi kasing OA niya.
 

“Time to take your medicine!” masiglang pahayag ni nurse Pat na kakapasok lang sa pinto bitbit ang tray na naglalaman ng iba’t-ibang klase ng gamot. Hindi para sa akin ang lahat ng ‘yon.

 
“Good morning, ate,” bati ko sa kanya.

Magiliw siyang ngumiti bago iniabot sa akin ang gamot ko at isang baso ng tubig. Mabilis ko ‘yong ininom para makapunta na siya agad sa susunod na pasyente. Ayoko naman na makaistorbo pa ng todo sa kanya.

 
“Out muna ako be, asikasuhin ko lang si Manong Kaloy sa kabila,” paalam niya sa akin.

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. Seeing that she had the names of her patients memorized. Alam ko na agad na totoo ang kabutihang pinapakita niya. Sobrang kabaligtaran ni Papa
 

Nang makalabas siya, sumunod namang pumasok si Marwin. Nangunot ang noo ko nang makita siya. “May pasok ka ngayon, hindi ba?”

Ngumiti ito at diretsong nagtungo sa tabi ko. “Exempted ako sa klase. Practice para sa RSPC Journalism.”

Hinampas ko ang balikat niya. “Practice? Sa loob lang ng campus, ginagawa ‘yon.”

Naningkit ang mga mata niya nang magsimula siyang tumawa. I glared at him, but hindi niya ako pinansin. 
 
He pinched my cheeks. “Ang cute talaga mainis ng misis ko.”
 

“Marwin!” singhal ko sa kanya.

 
Napansin ko lang ang sukbit niyang bag nang ilipat niya iyon sa kanyang harapan. Mula roon ay inilabas niya ang pamilyar na notebook. Sandali! Sa akin nga ‘yon ah! Iniabot niya iyon sa akin kasama ang isang ballpen. “I am going to practice here. Pinayagan naman ako ni sir Lexus kasi sinabi kong bibisita ako sa misis ko.” Kumindat siya sa akin bago sunod na inilabas ang DSLR camera niya.
 

Mystified Heartstrings (A Collaborative Novel) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon